Search For the Recipe

Showing posts with label Coconut Milk Recipes. Show all posts
Showing posts with label Coconut Milk Recipes. Show all posts

Thursday, December 13, 2018

Cold Ube BILO BILO sa Gata at Sago

Nakasanayan nating mga Pinoy na ang Bilo bilo ay kalimitang mas masarap kainin ng mainit , kung may natira masarap den naman itong kaining malamig..
Sa panahon ng tag init or gusto mo ng medyo kakaibang timpla ng bilo bilo ,yung tipong refreshing..
Today i made a recipe of Cold Bilo Bilo na pinalamig sa yelo...
Nasubukan nyo na ba?




INGREDIENTS/Mga Sangkap

1 cup Glutinous Rice Flour/Malagkit na pulbos bigas
1/2 Coconut Milk/adjust as it needed
pinch salt /kapatak na asin
1 cup mashed ube /ube na kamote or ube yam..using food color is depends on you

PARA SA SABAW na GATA /Cold coconut milk 

1 cup Panutsa /Muscovado Sugar
Vanilla essence
Pandan leaf/1sang dahon /tinali ng pa ribbon or use pandan essence
Cooked Tapioca Pearl/size is up to you
Sweet Jack Fruit /Langka ,mangga or Macapuno na minatamis for toppings

PAGHAHANDA at PAGLULUTO..

1..Sa isang bowl paghaluin ang pulbos na bigas at gata ,with pinch of salt haluin at ihalo ang ube na dinurog...paghaluin itong mabuti hanggang makabuo ng dough...adjust liquid if it's dry or sticky .. add more gata if needed.. or add some rice flour to adjust ..




2.Then ready to form a bilo bilo balls ...use your clean hands to form a bite size balls ..






3..Next mag pakulo ng tubig sa isang kasirola. ihulog isa isa ang ube bilo bilo..Kapag ito ay lumutang , ibig sabihin ito ay luto na...

Hanguin at salaain , ibadbad ng bahagya sa malamig na tubig na may yelo..set aside.

4.. Kung Mayroon kayong Niyog o sariwang Gata na hindi processed ,mas masarap ang sariwang Gata na bagong Piga..

Dahil walang Fresh na Gata, Paiinitan ko ng bahaga ang Coconut milk sa isang lutuan , at lagyan ng asukal o panutsa according sa inyong lasa...timplahan ng pandan o vanilla essence..
then tikman at kung okay na...remove from the heat..palamigin ito..


5..Kapag lumamig na ang gata ilagay sa gustong lalagyan..salain ang bilo bilo at ihalo sa gata..
kainin ito ng may yelo(ice) or palamigin sa ref..bago ienjoy..








sarap di ba..!!!
TRY NYO ..ENJOY

VIDEO COOKING HERE




Thursday, April 13, 2017

GINATAANG HALO HALO with STICKY RICE

Pagkaing kinaugaliang lutuin sa araw ng Holy week?
Naniniwala man o hindi ,nakaugalian na itong lutuin tulad ng mga ginataan o kakanin..

Today itinuro ko sa Pamilya ko ang pagluto ng Ginataang Halo Halo na may malagkit na bigas..na kung iisipin mo parang binignit ng Cebu ..na ginagamitan ng Landang na gawa sa Bule .






Mga Sangkap
Pampamilyang Sukat 

1 cup Sticky Rice
3 mature Coconut / for making Coconut Milk and Cream
3 medium Size Ube Kamote
3 medium size Yellow Kamote
3 small size Gabi or Taro root
3 pieces na Saging na Saba
3 cups Luto ng Sago /Tapioca Pearl
1/4 kilo of Fresh Langka
2 cups washed sugar
2 leaf of pandan




Pag-hahanda at Pag-luluto

1.Kung Naasiman sa Saging, Lutuin ito sa Asukal na may Pandan upang gawing minatamis...hiwain ng sa gustong laki at matamisin ang saging..set aside muna

2.Hugasan ang 1 cup sticky rice at lutuin sa tubig or 4 cups na coconut milk , haluin habang niluluto hanggang lumambot ang bigas na parang lugaw...set aside

3..Sa isang malaking lutuan ilagay ang 4 cups na Coconut Milk ,simmer but not boiling haluin ng bahagya at saka ilagay ang kamote at gabi...palambuten ng bahagya

4.Ilagay ang nilutong malagkit na bigas ,haluin at ihulog ang asukal ,sago.langka
haluin para pumantay ang luto at lasa..bahagyang lutuin .

5..Kapag siguradong luto na , ibuhos ang kakang gata para lalong masarap at malinamnam..lutuin ng mga 2 minuto habang hinahalo at ready to serve na...

Enjoy po..





Monday, July 11, 2016

BICOL EXPRESS / creamy version

Ginataan Dish is a Filipino all time favorite, na kung iisipin mo ay parang Curry dish ,
at ang Bicol express originate from Vicol Region na kumalat sa buong Pilipinas at ngayon ay may kanya kanya ng version ..

Anong Bicol Express ang type mo? Oily or Creamy ? well depende sa type ninyo..
Today i cooked creamy Spicy Bicol Express with little amount of sugar added para mas okay ang lasa sa anghang ..

Hindi ako Vicolana so the way i cook is my style, kaya ang sabi ko nga cook your dish according to  your knowledge and how the way you tradionally do ,okay?




INGREDIENTS..



Pork chop meat 2 sliced /245 grams 
chili pepper or siling haba 155 grams 
siling labuyo add the amount you like
1 can coconut milk or 2 cups
1/2 tbsp cooking oil
1 tbsp vinegar
1 tbsp sugar 
4 cloves garlic
1 medium red onion
1 small tomato /optional
some chopped of ginger
2 tbsp shrimp paste in bottle
black pepper and fish sauce 
i added red bell pepper or red paprika/optional

PAGHAHANDA AT PAGLULUTO

1.hiwain lahat ng sangkap ayon sa kinaugaliang pag hihiwa ng kamatis sibuyas bawang luya at sili 
hiwain ang pork ng pacubes or bite sizes..

2.maaring imarinade ang hiniwang pork sa suka bawang luya patis at paminta ng ilang minuto or maaring lutuin na ng derecho..

3..Sa isang lutuang kawali maglagay ng half tbsp of cooking oil ..igisa ang binabad na pork meat ng mga 3 to 5 seconds at buhusan ng 2 tbsp na tubig takpan sa maahinang apoy..steam natin hanggang mawala ang tubig.

4..kapag nagwala na ang tubig at medyo nag mantika na igisa rito ang garlic until fragrant then saka isunod ang sibuyas at kamatis..igisang mabuti ..maaring takpan ng mga 1 minute

4..after a minute ihulog ang hiniwang siling maanghang at siling pula at ibuhos ang 2 cups na kakang gata or coconut milk in can ,isunod ang 2 tbsp na shrimp paste na luto na..takpan hanggang maluto



5.after mga 20 minutes or more ...tikman kung gustong iadjust ang lasa...ilagay ang 1 tbsp na asukal 
haluin at takpan ,pakuluan pa ng isang kulo at ready na..

6..Lutuin sa mahinang apoy hanggang sa magmamantika ang gata ...kung gusto ng creamy ,patayin na ang apoy at maari na itong ihain ..

enjoy with your favorite steamed rice..



You can watch VIDEO COOKING HERE...




Monday, April 25, 2016

Ginataang Kalabasa Hipon at Bataw

Squash Prawn or Shrimps cooked in Coconut Milk with Flat Green Beans added..


Ingredients..

275 grams squash cut into square or bite size you like
12 fresh prawns or large shrimps
5 pieces flat green beans or string beans
1 tsp turmeric
1 tbsp shrimp paste
2 to 3 thin sliced ginger
3 to 4 cloves garlic
1 medium size onion
1 small size tomato/optional
1 can coconut milk/ 2 cups
salt and pepper
1 tbsp sesame oil or cooking oil
2 chili pepper or siling haba





PAGHANHANDA at PAGLULUTO

1..cut all the ingredients ayon sa kinaugaliang pag hihiwa..chop or mince the onion and garlic..
clean the shrimps ..



2..sa isang kawali ihalabos ang hipon hanggang mamula..set aside..or skip this method..

3..sa isang kawali.lagyan ng oil at igisa ang luya bawang sibuyas at kamatis..until fragrant..
add some black pepper .turmeric and shrimp paste..haluin ng bahagya

4.Next ibuhos ang coconut milk ,Takpan at pakuluan saglit ..
then ihulog ang hipon kalabasa at bataw pati na ang sili..takpan at lutuin sa mahinang apoy for about 2o minutes..or (lutuin muna ang hipon bago ilagay ang gulay..)



5..after 20 minutes...kung gusto ng medyo lumapot ang liquid alisin ang kalabasa upang hindi madurog
cook for ten minutes hanngang mabawasan ang liquid at lumapot ang gata..

6..adjust the seasoning salt patis or bagoong at ibalik ang kalabasa sa niluluto then ready to serve...adding more chili powder like cayenne pepper for hot spicy dish lover is perfect...



enjoy the Ginataan dish
VIDEO COOKING HERE..


Thursday, May 28, 2015

Ginataang Bataw

Kung may Bicol express,gagawa ako ng gulay express.yung gumuguhit ang sili
My Bataw Express..game na..
Minsan ko ng natikman ang putaheng ito ang Ginataang Bataw.

Year 90's,may friend akong bikolana na malimit akong lutuan ng ginataan recipe,nasaan na kaya sya?",
almost ten years ko ng hindi nakikita sya after naglayas sa bahay nila at iniwan ang asawang hapon at anak,chismosa ko no..hahaha"






Anyway, halos siya ang nagturo sa akin ng pag luluto ng ulam sa gata ,At ang unang natutunan ko ay ang tilapya sa gata,
laing,kalabasa,sitaw at yung bataw na sarap na sarap ako..

Ishare ko lang ang ulam ko last na dinner ko ..bihira kase akong makabili ng BATAW dito sa Japan,so kung may mabibilhan ren lang ,"bilhin na at iluto na,ng bonggang bongga.." heheh"

INGREDIENTS..Lever 3 ang anghang 

2 tali ng sariwang Bataw ( Flat Green Beans)
2 can Coconut Milk
1/4 kilo ng Pork Belly ( boiled for 30 minutes) or use raw
Paminta /optional
Fish sauce (Patis) or use Bagoong
ilang pirasong Luya or Tanlad
Ilang Piraso ng Bawang (pinitpit o hiniwa ng maliliit)
Kaunteng sibuyas
a tsp of vinegar /optional
Mantikang panggisa ( kung gusto ng walang Gisa ,Boil method ang gawing luto)
AT SILING LABUYO 5 o 6 na pirasong fresh green siling labuyo  (hiniwa ng maliliit)
 5 o 6 na pirasong dried sili (hiwain ng pino or ihalo ng buo)




PAGHAHANDA AT PAGLULUTO

1.hugasan at hiwain ng patagilid ang bataw..tulad ng nasa larawan..(or according na ren sa gustong hiwa at laki)

2.hiwain ng maliliit ang sili,pitpitin o hiwain ng maninipis ang luya ,pati na ang bawang at sibuyas..

3..Sa isang lutuang kawali,Painitin at buhusan ng sapat na dami ng mantika ( 2tbsp )
igisa ang luya at bawang,haluin saglit ..
kapag nangamoy na ang bawang at luya,isunod ang Pork meat
,ang sili .sibuyas..igisa ito ng ilang minuto..at ibuhos ang Coconut Milk

3.. timplahan ng patis at paminta..
Pasubuhan ng bahagya ang Gata bago ihalo ang gulay na Bataw..

4..nilagyan ko nga pala sya ng kaunting vinegar ( optional)
then takpan at lutuin sa tamang lakas ng apoy..



Lutuin ng matagal kung gusto ng nagmamantika ang Gata
o lutuin ng hindi nawawala ang cream ng gata (it's according na den sa inyong panlasa..)

Sabagay kung marami ang niluto nyo at kung iinitin ulit ito lalo syang nagmamantika..yun ang masarap
mentras niluluto ulit ito , ay lalong naglalatik..

Then Serve and Enjoy...Sarap sa mainit na Rice..Busog na busog ako that day.
"Bongga ang anghang sarap nya" hehehh



VIDEO COOKING here..


More photos of ginataang bataw express












Tuesday, March 10, 2015

Ginataang Ampalaya at Kalabasa

 Para sa Mahilig sa Gata or ayaw ng Ampalaya .
Ang pait ng ampalaya ay mawawala dahil sa gata,subukan ng malaman..



Mga Sangkap

Ampalaya 196 grams..Hiniwa ng malilit (nilamas sa kaunting asin ) maaring banlawan or hindi na
Kalabasa   132 grams..Hiniwa ng Maliliit ( malaki ng kaunti sa ampalaya ) or Menudo potato cut
1 can tuna 52 grams ( inalis ang sabaw )
Sibuyas hiniwa hiwa ng maliliit 40 grams
kamatis hiniwa ng maliliit 63 grams
3 ulo ng bawang ..Pinitpit
2 hiwa ng Luya
Dried Baby Shrimps 10 grams/optional
Bagoong Alamang 2 tbsp
Coconut Milk or Cream 400 ml..
Asin at Paminta
Siling maanghang o siling pulbos
3 to 4 tbsp na cooking Oil







Pagluluto...
Sa isang mainit na kawali lagyan ng Mantika at Igisa ang mga sumusunod Luya Bawang Sibuyas
Kamatis ,Alimasag .Bagoong. Tuna ,Coconut Milk ,Lutuin ng ilang minuto
at ihalo ang Kalabasa at Ampalaya.
Timplahan ng naaayon sa inyong panlasa asin ,paminta at sili..Hayaang Maluto.
at maari ng ihain ...enjoy




Quick Video Cooking here...