Search For the Recipe

Showing posts with label Pinoy Cake. Show all posts
Showing posts with label Pinoy Cake. Show all posts

Thursday, September 18, 2014

Pinoy Cheese Cupcakes

Madali at simpleng cheese cake
  Alam nyo ba!..Lumaki ako na batang panaderya"
at ito halos ang kinakain ko noong ako ay bata pa at sarap na sarap ako diyan sa pagkaing iyan.
na napaisip ako, na ano bang espesyal na sangkap at bakit masarap pa sa pandesal..hahahh"

  Ang lolo ko ay isa sa sikat na pagawaan ng tinapay sa lugar namin..lalo na ang pandesal,bonete at tostado...Tumatambay ako dun para tumunganga minsan sa mga panadero at makikain ng libre,at may ipasalubong den ako sa mga kapatid ko..kaso yung mga reject na hahahh..
business syempre baka maluge naman si lolo.
  At gumagana ang panaderya ng lolo ko araw araw ,mula umaga hanggang madaling araw ,
may naglalako ren ng pandesal at bonete..mga estudyanteng binatilyo ,may ten percent sila sa maibebenta nilang pandesal at ibang tinapay,sukbit nila ang kaing sa likod ..
tumitili sila ng  .....''bonete at pandesal."
 
Ang cheese cupcakes dinideliver lang sa mga store ..eskwelahan at palengke.
.. after school ko tumutulong ako para lang maka libre ng cheesecake,masaya na ko noon..oo naman sosyal na sakin yan hahahhh

At ngayon naalala ko na lang hehehh.
   Ang tagal na yan..teens pa ko hahahh.
Yun nga ,ngayon sarado na ang panaderya ni lolo,yumaon na ren kase.
Simula ng ako ay nag Japan ,wala ng naglakas loob ipagpatuloy ang pag papanaderya sa angkan namin..Eh puro busy na daw sa ibang bagay hehehh,




 Tanda ko pa puro cheesecake lang kinakain ko,buti na lang di ako tumaba noon..hahahh
Ngayon delikado na...ang sarap naman kase ng cheese cake ,dito sa Japan iba ang Cheese cake nila,malabulak sa pagkamamon at sobrang rich..
.
   At ayun namataan ko ang mga sangkap ng ako ay tumutulong..medyo minsan dinadaya ang sangkap para makamura at makatipid..
   Ngayon? may mga ibat ibang version na ang cheese cake ng pinoy...its according to your budget at according sa gusto ng bibig.."ika nga"
  "Pero promise nakakataba ito ."hahahh

Ingredients..Preheat oven to 180 C..at ibake ng 20 minutes..
double the ingredients if wanted more cupcakes
makakagawa siguro ng mga 8 to 9 pieces of cupcakes..

1 cup cake flour (Salain kung sinisipag)
a pinch of salt
1/2 tsp baking powder
2 tsp coconut powder (para medyo chewy) ewan bakit nga ? hahahhh try nyo..coconut macaroons ang peg..
1/2 cup Parmesan cheese
1/2 cup cream cheese or 100 g ..
1/4 butter
1 cup condensed milk...(1/2 cup lang nilagay ko kase galit ako sa matamis )
2 whole eggs

 Medyo dense or pa muffin ang pagka cake ng cheese cake na kinalakihan ko,,
ngayun iniiba na nila ang ang original na cheesecake..nagiging moist at mamon type na..
basta ba masarap eh..

 Ang cheese cake ng Japan napaka creamy at ma cotton ,yum yum den..




For Quick VIDEO Tutorial...



Paraan..
1,Paghaluin ang dried ingredients...
Cake flour,salt,coconut powder at baking powder....at itabi muna

2.Sa isang bukod na mixing bowl,pagsamahinng mabuti ang butter at cream cheese
Gumamit ng electric blender or pagtyagaang haluin ng tinidor or whisk
then kapag naging creamy na ang hinahalo,

3.Next ihulog ang itlog isa isa at haluin itong mabuti kasama ng cream cheese at butter..

4 At patakan ng 2 o tatlong patak ng vanilla essence or extract.

5.Then ibuhos ang 1 cup na condensed milk .(or adjust according sa inyong panlasa)
Haluing mabuti (or use electric blender) para makuha ang tamang lapot at pino ng batter.

6.At ang huli ay ihalo ang 1/2 cup na Keso na alam nyong malasa..like parmesan cheese or grated cheddar cheese,( select good cheese to make better taste for your cupcakes)

7.Ihanda ang tray na paglulutuan at ilagay ang mga paper cupcake at pahiran ng oil..at lagyan ng batter cake mixture ang bawat mould (wag itong pupunuin ,mga halos kalahati lang ,sa dahilang aalsa ang cake)lutuin ng mga 20 minutes or adjust..

8.Obserbahan habang ito ay nakasalang,..tusukin ng matulis na bagay para malaman kung luto na at ready na itong ihain..enjoy

9.Kapag alam nyong luto na ang mga cupcakes ,hayaan lang muna sa oven ang mga cupcakes ,at pahiran ng egg yolk(optional) ang ibabaw ng cake
at budburan ng grated cheese or parmesan cheese.at hayaan sa oven na  matunaw ang keso ..









Giant doughnut cheese cake? hahahh

enjoy.....

Wednesday, February 19, 2014

Ube Halaya "CheeseCake'

Halayang Ube ay masarap lalo na sa halo-halo,kahit sa puto,kakanin at mga baked foods.
Today nag imbento ako ng lutong ube ,very simple and easy.

Cake siya pero no baking ,pero dahil ang sangkap ay butter at cream cheese, alalay lang sa pagkain.
pero sobrang sarap ,isang slice lang solve ka na..at maari itong tumagal sa freezer ng isang linggo..





INGREDIENTS...

200 grams..Cream Cheese
2 cups Halayang Ube
100 grams Butter or add more
Marie Biscuits..1 box (Ordinary pack size)



I made Halayang Ube out of sweet purple kamote ...with honey and coconut milk..


For Quick Video View...



Preparation here..

Paghaluin ang 1 cup Halayang Ube at 200 g. Cream Cheese together








 Then here is the ube and cheese mixed ..set aside

In a separate bowl,combine 100 g.butter and 1 cup Marie Biscuits crumbs.
At gumawa ng crust sa isang tray na pag lalagyan ng cake..then patigasin ito ng 1 hour sa freezer..at saka balikan..





After 1 hour ..kung matigas na ang cheese, ang 1 cup na ube halaya ay ipahid sa ibabaw.at ibalik ng 2 to 3 hours sa freezer para tumigas ng kaunti .at ready to serve na..










Yummy.....Mata ne..

Sunday, January 26, 2014

Simpleng Luto ..Maja Ube

Maja Blanca na hinaluan ng ube..( CUSTARD PURPLE YAM PUDDING)



Yummy...
INGREDIENTS...
1 cup cornstarch
1 cup mashed ube/purple yam
1/2 condensed milk/adjust according to your taste
3 cups coconut milk
1 tbsp unflavored gelatin powder/optional

1/2 cup toasted desiccated coconut..

For Quick Video View..


To Continue cooking...


 Cooking Procedure..
1.In a bowl combine Condensed Milk and 1 cup coconut milk,mix well and set aside..

2. In a separate bowl combine 2 cups coconut milk,1 cup cornstarch and 1 cup mashed ube ,1 tbsp gelatin powder ,mix well..and strain to get smooth batter..

3.And  put the 2 mixture in a cooking pan ...mix the 2 bowl together to have one batter mixture...and bring to cook in low heat..continue stirring ..when you get the right thickness ,they're ready for mold and put in the fridge...and enjoy..


 (sa isang bowl,paghaluin ang condensed at 1 cup na coconut milk) set aside


sa isang bukod na bowl, pag haluin ang 2 cups gata,1 cup mashed na ube 1 tbsp na gelatin powder/optional ito


 Pagsamahin ang 2 mixture ..

Then lutuin sa kawali at haluin..mga 15 minutes siguro or adjust time by observing..


 Don't cook too much ,Kapag niluto ng sobra baka maging halayang ube ito..kailangan ng soft and creamy texture ang maja ube..(Should be look like Custard Cream )


Ilagay sa isang tray ,hulmahin at palamigin sa fridge ng ilang minuto or ilang oras para mabuo at mas masarap kainin..then enjoy..


Sprinkle it with Toasted Desiccated Coconut..

or latik





ENJOY the Maja Ube