Search For the Recipe

Monday, July 11, 2016

BICOL EXPRESS / creamy version

Ginataan Dish is a Filipino all time favorite, na kung iisipin mo ay parang Curry dish ,
at ang Bicol express originate from Vicol Region na kumalat sa buong Pilipinas at ngayon ay may kanya kanya ng version ..

Anong Bicol Express ang type mo? Oily or Creamy ? well depende sa type ninyo..
Today i cooked creamy Spicy Bicol Express with little amount of sugar added para mas okay ang lasa sa anghang ..

Hindi ako Vicolana so the way i cook is my style, kaya ang sabi ko nga cook your dish according to  your knowledge and how the way you tradionally do ,okay?




INGREDIENTS..



Pork chop meat 2 sliced /245 grams 
chili pepper or siling haba 155 grams 
siling labuyo add the amount you like
1 can coconut milk or 2 cups
1/2 tbsp cooking oil
1 tbsp vinegar
1 tbsp sugar 
4 cloves garlic
1 medium red onion
1 small tomato /optional
some chopped of ginger
2 tbsp shrimp paste in bottle
black pepper and fish sauce 
i added red bell pepper or red paprika/optional

PAGHAHANDA AT PAGLULUTO

1.hiwain lahat ng sangkap ayon sa kinaugaliang pag hihiwa ng kamatis sibuyas bawang luya at sili 
hiwain ang pork ng pacubes or bite sizes..

2.maaring imarinade ang hiniwang pork sa suka bawang luya patis at paminta ng ilang minuto or maaring lutuin na ng derecho..

3..Sa isang lutuang kawali maglagay ng half tbsp of cooking oil ..igisa ang binabad na pork meat ng mga 3 to 5 seconds at buhusan ng 2 tbsp na tubig takpan sa maahinang apoy..steam natin hanggang mawala ang tubig.

4..kapag nagwala na ang tubig at medyo nag mantika na igisa rito ang garlic until fragrant then saka isunod ang sibuyas at kamatis..igisang mabuti ..maaring takpan ng mga 1 minute

4..after a minute ihulog ang hiniwang siling maanghang at siling pula at ibuhos ang 2 cups na kakang gata or coconut milk in can ,isunod ang 2 tbsp na shrimp paste na luto na..takpan hanggang maluto



5.after mga 20 minutes or more ...tikman kung gustong iadjust ang lasa...ilagay ang 1 tbsp na asukal 
haluin at takpan ,pakuluan pa ng isang kulo at ready na..

6..Lutuin sa mahinang apoy hanggang sa magmamantika ang gata ...kung gusto ng creamy ,patayin na ang apoy at maari na itong ihain ..

enjoy with your favorite steamed rice..



You can watch VIDEO COOKING HERE...