As simple as muffin ..just use different baking tray..
i used aluminum baking tray..
My son requested this today para daw sa GF nya..
Mga Sangkap
3 whole eggs
1 cup Cake Flour
1/2 cup Almond Flour
200 ml whip cream/heavy cream
pinch salt
2/3 cups Sugar
1/2 tsp Vanilla Essence /i used 2 drops of Rum essence
1/2 cup of milk choco chips
Procedure is tulad ng sa Muffin Video Tutorial that i made last time..just
use a different tray..
Kapag naiba ang lulutuan baking tray..magiiba den po ang tagal ng oras ng pag bake
Preheat oven at 180 degree celsius
Baking time 28 to 30 minutes..
use sharp tools to check kung luto or hilaw pa..
VIDEO TUTORIAL..
Paghahanda at pagluluto..
1.Batihin ang itlog at asukal adding vanilla essence..then set aside
2..sa bukod na mixing bowl batihin ang chilled whip cream using electric beater until bumula ...then add cocoa powder gradually until maging chocolate ..
3..Combine the 2 ingredients using electric beater ...until incorporated..
4..then add cake flour into 2 portion habang binabate ng electric beater at kapag nahalo na..
ihulog naman ang almond flour/meal then continue to beat the batter ..
5..then add the chocolate chips..magtira ng kaunti for toppings..fold it using spatula..
6...isalin sa baking tin or tray..i used aluminum tray..brush with oil or butter..
at ibudbod sa top ang natirang chocolate chips..tap 3 times..
7..bake in preheated oven for about 28 minutes or adjust time
..check sometime para di masunog ang ibabaw..
depends on your oven.. the temperature at oras pati na baking tray ay may kinalaman ..kaya minsan nag iiba ang oras at resulta ng cake nyo..
Masasanay den kayo kapag lage nyo itong ginagawa..
Mille Crepe Cake Recipe...with cream cheese Lemon frosting and Ube Flavor
it is a French Cake made of many Crepe Layers...at popular sa Japan..
Nasubukan nyo na ba ang magluto ng cake na walang bake? besides sa steaming or rice cooker.
Yes,lulutuin naten sa frying Pan...
Yes,It's No Bake Cake..Easy and Fun ang recipe na ito..
Let's Start with the ingredients..
isa itong manipis na pan cake ,at magluluto ng mga 13 pieces or mga 20 pieces depende sa dami ng inyong ingredients..or size ng kawali..
i used 20 inches size non sticky pan.
Kitchen Tools na gagamitin ...
Maghanda ng dalawang tamang laki ng bowl para sa pag hahaluan
wire whisk
rubber spatula
scraper
hand mixer
icing spatula
round cake board
wax paper
long chopstick
scale para sukatin ang mga sangkap
salaan ng arina
brush for greasing pan
electric blender
For Frosting ( Ube Flavor)
120 grams Cream Cheese
40 grams refined sugar
30 grams Ube Halaya Jam
5cc Rum Essence or 1 tsp
2 tbsp Lemon Juice or UBE ESSENCE
160 Grams HEAVY Cream or All purpose Cream
For Toppings..you can make Butter Frosting ..Cream cheese Frosting with Ube Flavor..
I used 100 percent Ube Halaya. and cooked it in Soft Texture.
or Just Dust with White Sugar or White Chocolate Powder..
PAGHAHANDA...
1..Painitin ang kawaling paglulutuan at tunawin ang 20g na butter dito..and set aside..
2.Sa isang mixing bowl ,Paghaluin ang dalawang Arina at salain ng dalawang beses...
3.next is ihalo ang 50 grams na sugar sa sifted na arina..Haluin itong mabuti ng WIRE WHISK
4.Icrack ang two egg at ihalo isa isa habang hinahalo ito...hayaang maging smooth at creamy..
5.at ihalo ang Fresh Milk ng dahan dahan...ilagay ito sa 3 hati..Haluing mabuti
6..Kapag nailagay na ang lahat ng sangkap ,at ang lumamig na tinunaw na butter sa kawali ay ating ihalo dito sa batter mixture..
haluin itong mabuti..hanggang maging pino at pantay ang kulay..
( maliquid dapat ang batter at hindi creamy )malagnaw in short.
7.At bumalik tayo sa pinaiinit na kawali.
Maghanda ng brush na may kaunting Butter or kitchen towel paper para sa pang grease ng pan..
use long CHOPSTICK para sa pag luluto..
7.Haluin ng sandok ang batter mixture,everytime sasalok ...use sandok na may scoop ,na tanyado nyo ang sukat para sa isang pirasong crepe..
8..make sure na hot enough ang pan,bago ibuhos ang batter .
sa pag buhos ng batter iangat agad ang kawali at medyo ikutin ng left hand ang pan para kumalat ang batter at hindi mabutas o mamuo sa isang lugar..
9.kapag babaligtarin na ang crepe ,.hinaan ang apoy ,silipin kung luto ang ilalim ,ingatang di masunog or hilaw..
PARAAN NG PAGBABALIGTAD ng CREPE...
10..ilagay sa gitna ang isang chopstick
Angatin ng dahan dahan ng daliri ang right part ng crepe at ipatong sa chopstick
tulad ng nakikita sa Larawan at ibaligtad ito sa kawali gamit ng chopstick na nilagay sa gitna..
.
11..Kapag binaligtad nyo ang crepe ,huwag nyo itong aayusen ,kahit alam nyong magulo or di ayos ang pagkabaligtad
Masisira at mabubutas ang crepe..hayaang maluto ito kahit magulo..
then isalin sa cooling plate na may wax paper ..derecho ang kawali sa cooling plate with out using sandok or tools.
(Palamigin ng kaunte at maaring ayusen ng kamay ang magulong korte ng crepe)
Kapag nailuto na ang lahat ng crepes,12 pieces or 13 pieces ang magagawa sa sangkap na aking pinakita..
At kung nasalansan nyo na ng maayos ang mga Crepes ..isantabi muna ito at takpan ... Maghahanda naman para sa Frosting...
Sa isang malalim na mixing bowl or bowl na maaring gamitan ng electric blender...
1..ilagay sa bowl ang lahat ng Cream Cheese.Durugin ito using electric mixer (number one power)
2.isunod ang sugar ,haluin ng electric blender hanggang maging isa ang cream cheese at sugar..
3..then ihalo ang 30 grams na halayang ubi...haluing mabuti
4..Kapag namix ng mabuti ,ihalo ang 1 tsp na RUM essence ..
haluing mabuti...
5..At isunod ang 2 tbsp na lemon...haluing mabuti
6...Kapag pantay na ang hinahalo...isunod ang HEAVY CREAM..idivide sa tatlo ang pagbubuhos nito sa mixture...at hayaang maging Fluffy ang frosting ..(.Obserbahan ang Texture ng Frosting)
7...kailangan ang lapot nito ay di bumabagsak ..
Then...ready na nating pahiran isa isa ang mga pan crepe cake ...
8.Maghanda ng Round Sliver Cake Board...Yung umiikot na round board..
at isang paper hard board para sa patungan ng Cakes...
9..Para sa nag nenegosyo ng cake or gustong iregalo..
Ginagamitan ng Toasted Cake Crust ang Bottom ng crepe cake para maganda at makapal ang ilalalim ng cake...but kung lutong pang pamilya kahit wala ng crust ay okay lang...
10..Or just kapalan nyo na lang ang isang piraso ng pancake na lulutuin nyo..
Ilatag ang crepe at pahiran ng sapat na dami ng frosting at ikalat gamit ang
icing spatulas...continue the process,,
11..sa ika apat na layer ng crepe ,budburan ng hinimay na pira piraso ng ube halaya ang ibabaw..
12..takpan ng crepe at dahan dahang diinan para pumantay ang lapat ng cake...then continue lang,
.at sa ikaapat ulit ..budburan ulit ng halayang ube...at ipagpatuloy lang hanggang maubos ang crepes..
13.Ang wax paper na pinagpatungan ng crepes...isaklob sa ginawang cake at ihulma ng dahan dahan gamit ang dalawang kamay para pumantay ng ayos ang korte ng cake...huwag itong didiinan ...
aayusen lamang ito ,kung hindi ayos ang pagkabilog..
14...Bago nyo ito iserve .ilagay muna ito sa fridge ng ilang oras bago ito hiwain..
then budburan ng white powder chocolate o di kaya ay sugar...
or make your original butter frosting ...
mine is ..i covered them with pure ube halaya ,gumamit ako ng pipe para idesign...
Then...Enjoy ...
Narito ang Ube Halaya on Top of my Mille Crepe Cake.....So yummy
siguraduhin na pinalamig nyo ito sa ref ng kahit isang oras ...
bago kainin...
Madali at simpleng cheese cake
Alam nyo ba!..Lumaki ako na batang panaderya"
at ito halos ang kinakain ko noong ako ay bata pa at sarap na sarap ako diyan sa pagkaing iyan.
na napaisip ako, na ano bang espesyal na sangkap at bakit masarap pa sa pandesal..hahahh"
Ang lolo ko ay isa sa sikat na pagawaan ng tinapay sa lugar namin..lalo na ang pandesal,bonete at tostado...Tumatambay ako dun para tumunganga minsan sa mga panadero at makikain ng libre,at may ipasalubong den ako sa mga kapatid ko..kaso yung mga reject na hahahh..
business syempre baka maluge naman si lolo.
At gumagana ang panaderya ng lolo ko araw araw ,mula umaga hanggang madaling araw ,
may naglalako ren ng pandesal at bonete..mga estudyanteng binatilyo ,may ten percent sila sa maibebenta nilang pandesal at ibang tinapay,sukbit nila ang kaing sa likod ..
tumitili sila ng .....''bonete at pandesal."
Ang cheese cupcakes dinideliver lang sa mga store ..eskwelahan at palengke.
.. after school ko tumutulong ako para lang maka libre ng cheesecake,masaya na ko noon..oo naman sosyal na sakin yan hahahhh
At ngayon naalala ko na lang hehehh.
Ang tagal na yan..teens pa ko hahahh.
Yun nga ,ngayon sarado na ang panaderya ni lolo,yumaon na ren kase.
Simula ng ako ay nag Japan ,wala ng naglakas loob ipagpatuloy ang pag papanaderya sa angkan namin..Eh puro busy na daw sa ibang bagay hehehh,
Tanda ko pa puro cheesecake lang kinakain ko,buti na lang di ako tumaba noon..hahahh
Ngayon delikado na...ang sarap naman kase ng cheese cake ,dito sa Japan iba ang Cheese cake nila,malabulak sa pagkamamon at sobrang rich..
.
At ayun namataan ko ang mga sangkap ng ako ay tumutulong..medyo minsan dinadaya ang sangkap para makamura at makatipid..
Ngayon? may mga ibat ibang version na ang cheese cake ng pinoy...its according to your budget at according sa gusto ng bibig.."ika nga"
"Pero promise nakakataba ito ."hahahh
Ingredients..Preheat oven to 180 C..at ibake ng 20 minutes..
double the ingredients if wanted more cupcakes
makakagawa siguro ng mga 8 to 9 pieces of cupcakes..
1 cup cake flour (Salain kung sinisipag)
a pinch of salt
1/2 tsp baking powder
2 tsp coconut powder (para medyo chewy) ewan bakit nga ? hahahhh try nyo..coconut macaroons ang peg..
1/2 cup Parmesan cheese
1/2 cup cream cheese or 100 g ..
1/4 butter
1 cup condensed milk...(1/2 cup lang nilagay ko kase galit ako sa matamis )
2 whole eggs
Medyo dense or pa muffin ang pagka cake ng cheese cake na kinalakihan ko,,
ngayun iniiba na nila ang ang original na cheesecake..nagiging moist at mamon type na..
basta ba masarap eh..
Ang cheese cake ng Japan napaka creamy at ma cotton ,yum yum den..
For Quick VIDEO Tutorial...
Paraan..
1,Paghaluin ang dried ingredients...
Cake flour,salt,coconut powder at baking powder....at itabi muna
2.Sa isang bukod na mixing bowl,pagsamahinng mabuti ang butter at cream cheese
Gumamit ng electric blender or pagtyagaang haluin ng tinidor or whisk
then kapag naging creamy na ang hinahalo,
3.Next ihulog ang itlog isa isa at haluin itong mabuti kasama ng cream cheese at butter..
4 At patakan ng 2 o tatlong patak ng vanilla essence or extract.
5.Then ibuhos ang 1 cup na condensed milk .(or adjust according sa inyong panlasa)
Haluing mabuti (or use electric blender) para makuha ang tamang lapot at pino ng batter.
6.At ang huli ay ihalo ang 1/2 cup na Keso na alam nyong malasa..like parmesan cheese or grated cheddar cheese,( select good cheese to make better taste for your cupcakes)
7.Ihanda ang tray na paglulutuan at ilagay ang mga paper cupcake at pahiran ng oil..at lagyan ng batter cake mixture ang bawat mould (wag itong pupunuin ,mga halos kalahati lang ,sa dahilang aalsa ang cake)lutuin ng mga 20 minutes or adjust..
8.Obserbahan habang ito ay nakasalang,..tusukin ng matulis na bagay para malaman kung luto na at ready na itong ihain..enjoy
9.Kapag alam nyong luto na ang mga cupcakes ,hayaan lang muna sa oven ang mga cupcakes ,at pahiran ng egg yolk(optional) ang ibabaw ng cake
at budburan ng grated cheese or parmesan cheese.at hayaan sa oven na matunaw ang keso ..
1 cup cake flour (sifted)
If using Plain Flour add 1/2 tsp of baking powder
1/2 cup dried Fruits
1/3 cup sugar
1/3 cup butter
1 tbsp fresh milk
2 whole eggs
1 tsp Rum or brandy
2 tbsp water
Initin ang oven ng 170 degree..sa 350 F.
Sa isang lutuan o sauce pan ilagay ang dried fruit at timplahan ng 1 tsp Rum at 2 tbsp na tubig
initin ito para lumambot ang matigas na dried fruits at maabsorb ang Rum dito
Hiwain kung gusto ng malilit ang dried fruits..then itabi muna ito.
Sa isang mixing bowl..paghaluin ang 1/3 cup of butter at 1/3 cup na asukal..
at isunod ang 2 binating itlog..paghaluin itong lahat..gumamit ng whisk or ng tinidor
ihalo ang arina habang sinasala ...haluin hanggang sa lumapot.
ilagay ang dried fruits at haluin..
At ihanda ang baking tray na paglulutuan ..Pahiran ito ng mantika o butter..
ibuhos dito ang batter mixture at ibake ng 30 to 35 minutes..( 170'c 350 F)
and check the cake for doneness using toothpick ..
and enjoy......................