Search For the Recipe

Showing posts with label Pinoy Merienda. Show all posts
Showing posts with label Pinoy Merienda. Show all posts

Sunday, December 23, 2018

Puto Cake (Steamed Cake )

Filipino Puto Dish Steamed cake is usually prepared in small size cup cakes .

Dahil ang Filipino ay malikhain at mahilig gumawa ng kakaibang luto marami ang gumagawa ng Cake na puto ang size na parang plato sa lapad at hindi bite sizes kundi hinihiwa ang pag serve..

Let's try..

yellow color because i used muscovado or cane sugar 


INGREDIENTS/MGA SANGKAP 

1..2 cups of Cake Flour

2.. 3 Whole Eggs /Room Temperature

3..2 cups of Fresh Milk or use Evaporated Milk

4..2 tbsp Melted or Soft Butter

5..1 tbsp Granulated Sugar

6..1 cup of Cane Sugar or Muscovado /adjust the sugar or use any sugar you like

7..Add Vanilla essence if desire

8..Cheese for toppings/choose good cheese

9..Salted Eggs / i used ordinary Boiled Salted Egg in Japan ( not shown in my video)


Maghanda ng Pag lulutuan na baking tin or Tray na kasya sa inyong Steamer..
Pahiran ito ng oil or butter , i used 8x8 size round baking tin..


PAGHAHANDA at PAGLULUTO 

Huwag Kalimutang ihanda ang Steamer na paglulutuan( na may tubig ) Pakuluan kapag alam nyong ready na ang cake batter..

1..Let's crack 3 eggs..Paghiwalayin ang yolks at egg whites sa isang lalagyan

2..Batihin muna ang yolks ng bahagya upang madurog ang pula, then add 1 cup sugar ( 3 portion at a time para madali ) Gumamit ng wire whisk or electric mixer ..batihin ang yolks kasama ng sugar hanggang maging smooth..

3..Then ilagay ang 2 tbsp na melted butter, continue mixing with hand mixer until maging parang mayonnaise ..

4..Next is ihalo ang 2 cups na Milk at 2 cups na cake flour ( sifted is fine ) then Continue mixing using hand mixer.. and set aside kapag fine and smooth na ang batter..

5..Ihanda ang egg whites ,1 tbsp na sugar at hand mixer , linisin muna ang hand mixer bago ito gamitin sa batihin ang egg whites ...beat egg whites until foamy ..

6..Then Fold egg whites to cake batter , gently lang ang pag halo hanggang pumantay ang batter ..

7..Siguraduhing Kumukulo ang Steamer..

8..Ibuhos ang Cake Batter sa Hinandang Baking Tray na pinahiran ng butter..

9.. Ilagay sa Steamer at lutuin ng 1 hour mahigit to 2 hours ...ang luto ay depende sa lakas ng apoy o laki at tray na paglulutuan nyo..

10..Maaring takpan ng lid ang baking tin sa loob ng steamer para madaling maluto at di matuluan ng singaw ng tubig na galing sa takip ..( or cover with Cheese Cloth)

11..After 30 or 40 minutes , balikan ang niluluto at lagyan ng hiniwang itlog na maalat at kesa ang ibabaw ng nilulutong cake...takpan ulit at hayaan itong maluto ...

12..About 1 hour and half ,maaring luto na ang puto cake , tusukin kung luto ang loob..

Kapag luto na palamigin muna bago ito alisin sa pinaglutuan..

Serve and enjoy
Masarap na Merienda ...



yummy Puto cake 


Masarap at lasang Chiffon Cake ang texture ..
Happy Cooking Day



VIDEO COOKING HERE .... enjoy











Thursday, December 13, 2018

Cold Ube BILO BILO sa Gata at Sago

Nakasanayan nating mga Pinoy na ang Bilo bilo ay kalimitang mas masarap kainin ng mainit , kung may natira masarap den naman itong kaining malamig..
Sa panahon ng tag init or gusto mo ng medyo kakaibang timpla ng bilo bilo ,yung tipong refreshing..
Today i made a recipe of Cold Bilo Bilo na pinalamig sa yelo...
Nasubukan nyo na ba?




INGREDIENTS/Mga Sangkap

1 cup Glutinous Rice Flour/Malagkit na pulbos bigas
1/2 Coconut Milk/adjust as it needed
pinch salt /kapatak na asin
1 cup mashed ube /ube na kamote or ube yam..using food color is depends on you

PARA SA SABAW na GATA /Cold coconut milk 

1 cup Panutsa /Muscovado Sugar
Vanilla essence
Pandan leaf/1sang dahon /tinali ng pa ribbon or use pandan essence
Cooked Tapioca Pearl/size is up to you
Sweet Jack Fruit /Langka ,mangga or Macapuno na minatamis for toppings

PAGHAHANDA at PAGLULUTO..

1..Sa isang bowl paghaluin ang pulbos na bigas at gata ,with pinch of salt haluin at ihalo ang ube na dinurog...paghaluin itong mabuti hanggang makabuo ng dough...adjust liquid if it's dry or sticky .. add more gata if needed.. or add some rice flour to adjust ..




2.Then ready to form a bilo bilo balls ...use your clean hands to form a bite size balls ..






3..Next mag pakulo ng tubig sa isang kasirola. ihulog isa isa ang ube bilo bilo..Kapag ito ay lumutang , ibig sabihin ito ay luto na...

Hanguin at salaain , ibadbad ng bahagya sa malamig na tubig na may yelo..set aside.

4.. Kung Mayroon kayong Niyog o sariwang Gata na hindi processed ,mas masarap ang sariwang Gata na bagong Piga..

Dahil walang Fresh na Gata, Paiinitan ko ng bahaga ang Coconut milk sa isang lutuan , at lagyan ng asukal o panutsa according sa inyong lasa...timplahan ng pandan o vanilla essence..
then tikman at kung okay na...remove from the heat..palamigin ito..


5..Kapag lumamig na ang gata ilagay sa gustong lalagyan..salain ang bilo bilo at ihalo sa gata..
kainin ito ng may yelo(ice) or palamigin sa ref..bago ienjoy..








sarap di ba..!!!
TRY NYO ..ENJOY

VIDEO COOKING HERE




Wednesday, December 12, 2018

Banana Puto Recipe

Steamed Cake Puto dish recipe with banana flavor. it's filipino favourite snack at home..

banana puto dish with chocolate nibs on top



MGA SANGKAP/ Ingredients...



1 cup Cake Flour
1 soft riped Banana
1 tbsp milk
1 cup Fresh Milk /or use Evaporated Milk
2 whole eggs
1/2 cup sugar or add more/i used Honey
1 tbsp butter
pinch salt
3 drops of vanilla essence

at budbod sa ibabaw..chocolate nibs..

PAGHAHANDA at PAGLULUTO

1..Balatan ang saging at putol putulin ito ,ilagay sa isang lalagyan at lagyan ng 1 tbsp na milk at durugin (mash) set aside.

2..Sa isang mixing bowl.ilagay ang 1 cup na Cake Flour at baking soda (optional) at haluin

3..Ihalo ang 1 cup na gatas at 2 itlog..haluin itong mabuti gamit ang wire whisk

4..Kapag nahalo na lagyan ng asukal according sa gustong tamis, a pinch of salt kung gustong lagyan.
haluin ulit.

5..kapag creamy na ihalo ang dinurog na saging..Haluin itong mabuti hanggang maging smooth ..

6..Kung gusto ng may butter ,lagyan ito ng 1 tbsp melted butter or use any cooking oil..haluin until you get the right batter texture..

7..Ihanda ang mga puto moulds ..pahiran ng butter or oil ..At Huwag kalimutang mag pakulo ng tubig sa Steamer ..

8..Lagyan ng batter mixture ang bawat puto moulds..

9..Isalansan sa steamer, takpan at lutuin ng 15 to 20 minutes hanggang sa maluto..tusukin ng sharp tools to check ..

At ready to serve na eat with cheese or any dish na gusto nyo ipares .








ENJOY...



VIDEO COOKING HERE







Monday, December 10, 2018

Adobo na Mani (Spicy version)

Paano Magluto ng adobong mani , na hindi masusunog ang mani habang binubusa?
Continue to read...and scroll down

Mani man ay masustansya kung sosobra ay sempre hindi ren maganda..
according to expert one palm or one grab of your palm is enough everyday to eat peanuts..
in peanut butter 1 tbsp is enough once a day or depends on your body built , activities ,age and height..anyway,...luto na tayo.







MGA SANGKAP

2 cup Raw Peanuts/maliliit na mani ang laki
1 to 2 head of Garlic/sliced or chopped
1 to 2 tsp pink salt or sea salt
dash of white pepper
3 small dried laurel leaves'
3 dried red chilli pepper or siling labuyo
Cooking Oil
2 cup water


PAG HAHANDA AT PAGLULUTO

1.Magpainit ng kaunting mantika para lutuin ang bawang..make Toasted garlic..as crisp as you like,then set aside ..

2. Sa isang bowl ilagay ang raw peanut at buhusan ng 2 cups water.
haluin ng bahagya ng kamay but carefull not to damage the skin of peanuts..about 20 seconds only..
then remove water ant salain to remove exess water.set aside.

2.Magpainit ng kawali na may mantikang pag lulubugan ng mani..kahit 2 cups oil okay na..
kapag mainit na ang mantika ihulog ang Peanuts haluin ng bahagya , ilagay ang laurel at siling labuyo..haluin hanggang sa maluto..4 to 5 minutes ..just check nyo lang ..

3.Kapag luto na,isalin sa isang lalagyan ang nilutong mani budbudan ng asin at ihulog ang toasted garlic...Palamigin bago kainin or eat while its warm..

ENJOY...




Sarap with Green tea...ano type nyo na drinks sa mani?


VIDEO DEMONSTRATION HERE...




Sunday, December 9, 2018

Turon Malagkit with Coconut Mango Glaze

What to do with the Left over Sumang Malagkit or Suman sa Ibos..? i made a TURON with it..


Sweet Egg Roll Recipe with sticky rice inside ..coated with Cane Sugar Caramel with coconut milk and mango puree flavor , and sprinkled with toasted Sesame seed..



INGREDIENTS..

FOR LUMPIA 
Lumpia Wrapper 12 pieces
Sinaing na Malagkit sa Gata na may asin/or Left over Sumang Malagkit or Suman IBOS
Minatamis na mangga for filling
Sugar /to coat malagkit if desire


Caramel Sauce 

1/4 cup mango puree /or mango jam
1 to 2 Cups Panutsa or Brown Sugar
1 cup Coconut Milk/ kakang Gata
pinch salt/optional
vanilla essence
1 stick cinnamon
pandan leaf/optional



PAG LULUTO
1. Gumawa muna ng Caramel Sauce...
sa isang kawali ibuhos ang Coconut milk at Asukal , manggang minatamis , vanilla essence, cinnamon stick at pandan leaf..lutuin hanggang maging thick sauce ...then set aside.

2 Ihanda ang Malagkit at Lumpia wrapper ...at ibalot ang malagkit , maglagay ng sapat na dami ng malagkit at matamis na mangga then balutin ng lumpia wrapper


3. Kapag nabalot na ang mga lumpia, Mag painit ng mantika.. Lubog ang pag piprito nito..
lutuin hanggang maging crispy ang Turon...
then saka hanguin...

4..Next ihalo ang lumpia sa Caramel sauce na ginawa..hanggang mabalutan ng caramel ang turon..
at maaring bubudbudan ng sesame seeds or nuts ..
ENJOY..








Drink hot green tea not cold or sweet drinks...


VIDEO DEMONTSTRATION HERE..







No Bake Coconut Macaroons Recipe

OVEN Problem?
Here is the easy way to make your favorite Pinoy macaroons with out using an oven...





Ingredients

15 to 16 pieces servings/ and depends on size

2 cups Dessicated Dried Unsweetened Coconut
1 can Condensed milk/adjust the amount for sugar conscious person
drops of vanilla essence
pinch of salt
2 egg yolks


PAGLULUTO...

1. In a Skillet kung saan nyo lulutuin , ibuhos ang isang can ng condensed milk at 2 egg yolks, Paghaluin itong mabuti...at saka buksan ang apoy sa mahinang init..haluin ito ng ilang segundo ..

2..Habang hinahalo ihulog na ren ang Dessicated Coconut haluin lang ng haluin na parang gumagawa ng yema candy...

3. Adding a pinch of salt and vanilla is ok if desire

4.When you notice na kumukunat o namumuo na ang yema ,sign na ito na malapit ng maluto..tikman kung satisfied sa kunat.

5..At kung luto na , magsimula ng gumawa ng shape na gustong laki  , shape size according you like or use any shape moulder.

6..Allow to cool completely before serving ..or eat while its warm...
ENJOY

Balutin nyo if you're into business..or pang regalo ..or eat with your family





luweeh suggest .... eat with moderation....





VIDEO DEMONSTRATION HERE...



Wednesday, December 5, 2018

SUMAN sa Ibos Wrapped in Banana Leaves

Homemade Suman sa Ibos or Ibus...

When Palm Leaves is not available..Paano kung gusto mong magluto o kumain ng Ibos suman?





Here is my recipe to share ..easy and simple



INGREDIENTS


11 to 12 pieces ,size around 6 inches long ..

For making MALAGKIT 
Banana Leaves
3 cups Glutinous RICE/Malagkit na Bigas
Coconut mIlk /i used 1 pack 250 ml
1 tsp SALT /i used Pink salt

For Boiling Suman 
Water for boiling Suman
250 ml Coconut Milk /or 2 cups gata ikalawang piga
1 tsp TURMERIC POWDER/luyang dilaw po ito
Ritaso ng Dahon ng Saging if mayroon..

GLAZE syrup
1 cup kakang gata
2 tbsp to 1/4 cup mashed mango puree/use jam or fresh
2 cups Panutsa or Cane Sugar/or Brown Sugar..
1 stick cinnamon
drops of vanilla essence or mango esssence
pandan leaf if you have / optional

PAGLULUTO..

1.Hugasan ang Bigas ng 2 to 3 times...at salain

2. Ilagay ang hinugasang bigas sa isang bowl , ibuhos ang 250 ml na Coconut milk at 1 tsp na asin..
Hayaan itong mababad hanggang masipsip ng bigas ang gata..

3. After a few minutes , maoobserbahan nyong mawawala ang liquid at aalsa ang bigas..that's what we want..

4..Ihanda ang Dahon ng saging..paiinitan sa apoy ng bahagya para lumambot at putulin ang dahon ayon sa sukat para makagawa ng tamang laki ng suman..

5..kumuha ng sapat na dami ng binabad na bigas at ilagay sa gitna ng dahon . ibalot ito ng pasuman ayon sa gustong paraan ng ng pag babalot...tinalian ko ang suman upang di lumigwak ang sinaing na malagkit..gamit ang tali ng hamon..string ham /sorry i wrote it ham thread on my vlog..




6..Kapag nabalot ng lahat ang bigas..ihanda ang lulutuan ..mas malalim mas maganda..i mean magandang isaing ang suman ng NAKATAYO..dahil kawali ang ginamit ko..Nakahiga ko syang Nilaga...

7..Sapinan ng dahon ang luluuan at isalansan ang Suman..buhusan ng 2 cups ng gata at punuin ng tubig to cover the suman , then add 1 tsp of Turmeric Powder..cover with dahon ng saging kung mayroon pang dahon..Takpan ng Lid.

8..Cook this slowly about 2 hours..
check it sometimes...kung luto na or kulang sa tubig..at maiwasan kung sumusubo ,kailangan itong makahinga at bigyan ng awang ang takip habang ito ay niluluto..(same as your cooking sinaing na kanin )..

Kapag Luto na...Ready na ang inyong SUMAN

Eat while its warm or cool ..2 to 3 days ang itatagal ..but the best day to eat, is when the day you cooked it..
But you can fry it the next day, or steam, or make a turon with the left over suman...enjoy po








Sarap ....+.=



VIDEO COOKING here..




Sunday, April 1, 2018

High Fiber "GINATAANG TOTONG"

Eat all you can...Guilty Free Merienda..

Mahilig ka ba sa kakanin o matamis na pagkain? tulad ng mga ginataan o mga malagkit ,puto,kalamay o bibingka..mga halimbawa lang yan na paborito ng Pinoy..

Gusto nyo bang kumain ng mga kinakain ko? guilty free diet para maiwasan ang tumaba ng sobra o nag aalala sa SUGAR..kase sugar is the most reason kaya tumataba ang tao.including oily food ..


Try my Ginataang Totong in healthier version, kase it's high in Fiber , Glutinous rice is 
usually the ingredients of making ginataang totong with the sugar and coconut milk plus the grinded toasted mung beans..



Kumakain naman po ako ng kakanin o malagkit rice..kaso as in very rare or bibihira..Tikim lang ang alam ko..pero mahilig ako sa ginataang bilo bilo or totong..kapag napakatamis hindi nyo po ako mapapakain...when i cooked for myself .i eat a lot ..kase sure ko ang mga sangkap ,means guilty free..









INGREDIENTS...

Of course you use the original ingredients 
like Sticky Rice at Sugar of your Choice

in my case , Figure conscious kase ako at health conscious den..
this what ingredients i used..


Choose Whole Grain Rice..Mugi Rice or Whole grain Oats 
or just used instant OATMEAL
or maybe BROWN RICE combine some amount of Sticky rice..para di dry


MY RECIPE here
2 cups of MUGI RICE / Whole Grain Oats 
3 cups COCONUT MILK
1 to 2 cups COCONUT SUGAR 
Enough WATER to cook mugi rice

you can add oats or tapioca pearl para medyo jellatinous



METHOD how to cook

1..Wash rice 2 times and drain ...get your cooking pot and put enough amount of water 
3 cups water then put the rice ..cover and cook slowly in medium low heat.




2.check it sometimes syempre at haluin..obserbahan kung naluluto ang rice
add more water kung matigas pa..then ilagay ang 1 pack ng COCONUT MILK..
pakuluan ng isang kulo ..



Kung gustong haluan ng TAPIOCA PEARL...ibuhos sabay ng Rice 



3..stir constantly ..para di manikit sa ilalim ..check kung malambot na ang rice at tapioca , haluin mabuti ,lagyan ng tubig or coconut milk as it needed..

4..ibuhos ang binusang dinurog na munggo..para maluto ang munggo



after nyong maobserbahang medyo malambot na ang rice ibuhos ang  natirang 2 cups na GATA...haluin at 
pasubuhan ng kaunti at saka ilagay ang sapat na dami ng ASUKAL according sa inyong panlasa..




Kung gustong Magata ang niluluto huwag gumamit ng tubig ..use more coconut milk
i used 3 package of coconut milk with more than 3 cups and some amount of water /3 cups maybe
and adjust Sugar ..
used any sugar kung walang coconut sugar,medyo mahal po ang coconut sugar...mahal ang sugar na pang healthy diet ..ganun po talaga..





meanwhile...TIKMAN ang niluluto ...kapag okay na..then READY TO SERVE na..
eat while it's warm...

ENJOY..