Search For the Recipe

Showing posts with label Pinoy Breakfast. Show all posts
Showing posts with label Pinoy Breakfast. Show all posts

Tuesday, December 11, 2018

Taho with Minatamis na Saging

Let's make Homemade TAHO quick and easy
Meriendang masarap sa umaga o tag lamig...
Tofu Sweet food with sweet banana and tapioca pearl caramel sauce .






INGREDIENTS..
4 servings ..

2 package of Tofu /200 grams each (find tofu with soft fine and smooth texture)
2 cooking banana ( saging na saba ) or use ordinary banana
1/2 cup Tapioca Pearl ( cook this )
1 cup Panutsa ( muscovado Sugar ) or add more according to your taste
1/2 cup water
vanilla essence /if desire


soft and smooth tofu in Japan 



PAG HAHANDA at PAG LULUTO 

1..Balatan at hiwain ang saging na saba ng malilit..

2.Maglagay ng tubig sa isang sauce pan at ihulog ang asukal at saging, timplahan ng vanilla essence kung gusto..at lutuin ang saging hanggang lumapot ang sauce.

3.Hanguin at isalin sa isang lalagyan at saka ihalo ang nilutong Tapioca Pearl..haluin ito, itabi muna..

4. Magpainit ng tubig na lubog ang TOFU , painitan ang tofu ..1 minute ay maari na..

5..Ihanda ang baso o tasa na lalagyan ng TAHO at timplahan ng minatamis na saging na may sago..
ENJOY your merienda ..










SIMPLE DI BA?

Video Demonstration here..






Wednesday, October 8, 2014

PANCAKES with UBE and Macapuno

Nasubukan nyo ba ang inyong Pancakes ay may budbud na ube halaya ? at may kaunteng macapuno
Breakfast ng baby girl ko..Try nyo ...Masarap siya."

Dahil kahaweg siya ng Japanese cake na DORAYAKI..Sandwich style ng pancakes inipit sa gitna ang red sweet beans kung tawagin ay ANKO...

So gusto ng mga kasama ko..


Ingredients...
Cake Flour..
Egg
Honey or sugar
Fresh Milk
Ube Halaya
Macapuno

I mixed 1/4 cup of cake flour and 3 tbsp of fresh milk..haluin ito and i cracked one egg
Then haluan ng Sugar ..2 tbsp of sugar or adjust..

Painitin ang non sticky pan at lagyan ng sapat na dami ng oil at haluan ng kaunteng butter,
next step
Maglagay ng one tbsp na cake batter mixture sa pan ..
at budbudan ng halayang ube habang niluluto..
Baliktarin kung luto na ang ilalim...
then serve with macapuno sa ibabaw..






Enjoy....

Sunday, June 15, 2014

Tortang Ampalaya ( Bitter Melon Omelette)




Hi mga Pipol...Anong Ulam nyo ngayon?
Sa mahihilig sa ampalaya at itlog ...Narito ang bagong version ko ng ampalaya with egg..Ang Tortang Ampalaya ,Plate Size..Slice nyo lang na parang cake hehehehh...



Mga Sangkap..
Medium Size Ampalaya,hiwain ayun sa inyong gustong hiwa.but i suggest manipis para di mapait..(lamasin sa asin at pigain kung gustong mawala ang Pait) ako derecho lang..
4 na itlog
Kaunteng hiniwang kamatis
Sibuyas at bawang..
Kaunteng siling pula o paprika( red bell pepper)
Kaunteng binalatang hipon..(can use ground meat if you like)
Soy sauce,oyster sauce,patis,salt and pepper...seasoning is according sa inyong panlasa.
Maaring haluan ng kaunteng cheese para medyo mas espesyal ang lasa.

Tips-maaring maglagay ng kaunteng arina para madaling mabuo .Kung hindi sanay pang gumawa ng purong itlog lang
Cooking oil syempre..
At Kaunteng tubig sa pagpapalambot ng ampalaya




Photo Cooking Tutorial


Paraan ng Pagluluto.
Igisa ang mga Sangkap like bawang ,sibuyas at kamatis..
igisang kasama ang hipon ,timplahan according sa inyong panlasa..(oyster sauce)
at ihalo ang hiniwa hiwang ampalaya.lagyan ng kaunteng tubig para lumambot ng kaunte ang ampalaya...hayaang maluto ng medyo half cooked or lutuin ng ayun sa lambot na gusto sa gulay..



at ihanda ang itlog..magbate ng itlog at ihulog dun ang ginisang ampalaya na may hipon.
iprito sa mainit na kawali na may 5  tbsp na mantika or adjust nyo ang mantika ayun sa laki ng inyong kawali at dami ng lulutuing itlog ..



takpan at lutuin sa medium heat...checkin ang ilalim para di masunog..
kung babaligtarin patayin muna ang apoy..at isalin sa isang plato...at baligtaring pabalik sa kawali
para lutuin naman ang kabila...then sindihan ang kalan..



maaring wag na itong takpan...bantayan ito at kung ready na...ihain na at ilagay sa isang plato na kasya ang tortang ginawa...
enjoy,.....maaring kainin ito ng may ketsup or any chili spicy sauce na type nyo.