Search For the Recipe

Wednesday, July 15, 2015

Taho Dessert

'Taho"."Taho" .....kayo dyan..pabili po ng taho'..sabay ganun eh..namis nyo ba ang TAHO ?
o baka namis nyo lang ang naglalako ng taho? ako hindi naman hehehh,takot akong bumili recently sa magtataho sa aten..kase you know na..

Anyway,sa mga kabayan kong nasa ibang bansa na katulad ko,matuto na lang tayo ,na magluto sa ating kusina para safe pa ..
,so para matikman muli ang masarap na taho,na maiinit init pa at may arnibal at sago..
let's make TAHO at home..








Dito sa Japan isa sa pangunahing pagkain ang taho (tofu kung tawagin)
usually panghalo ito sa mga sabaw .ulam ,appetizer or salad ..
Ang minatamis na tofu ay hindi ko pa naririnig dito..maliban itoy isang appetizer ,panghalo sa ulam or anumang putahe ..at hindi dessert..siguro may gumagawa like ihalo sa cake ,bread or mga yogurt..
kinaugalian ng hapon na kainin ang taho ng may toyo kesa sa asukal ..
well dahil masustansya naman ang taho kahit saang luto pa ito .,patok ang tofu..

Sa mga taga Japan ,try this yummy and healthy TAHO dessert
at sa nagrequest ng TAHO..narito po ang inyong Taho dessert


SIMPLENG SANGKAP
2 pack Japanese TOFU (soybean curd) find good quality Tofu ,yung hindi basta nadudurog
   enough water para sa pagpapainit ng taho
1 cup Tapioca Pearl
5 cup water para unang paglalaga sa tapioca ( and more water )
2 drops of vanilla essence or use pandan essence or pandan leaf
1 cup Durog na Panutsa ( ground Dark brown sugar) or muscovado sugar
1/4 cup water para sa syrup making ( adjust your arnibal according sa inyong gusto)



PAGHAHANDA AT PAGLULUTO

SAGO making

1.Sa isang kasirola ilagay ang  5 cups na tubig at pakuluan ito..

2.Ibuhos ang 1 cup na sago sa kumukulong tubig,takpan ant lutuin ng 20 minutes

3.Silip silipin minsan  o Haluin minsan kung nag aalala sa sago..

4 After 15 or 20 minutes patayin ang apoy ,haluing mabuti at hayaan itong lumamig ng lubusan sa kasirola.

5.Salain at banlawan..add enough water at ulitin ang paglalaga hanggang sa gustong lambot o kunat ng sago (cook for 30 minutes for partially cooking ) fully cooking is until you reach the transparent sago..

6..palamigin ,salain ang sago timplahan ng 2 tbsp na sugar syrup (arnibal)kung gustong magkulay brown ang sago....Ilagay sa ref at palamigin..then ready for taho na..
(kapag may natira ibabad ito sa arnibal or tubig)para hindi magdikit dikit..



ARNIBAL making
1.Sa isang maliit na kasirola ilagay ang 1/2 cup na tubig at 1 cup na sugar at tunawin ang asukal hanggang maging syrup ( malapot or malagnaw is according sa gusto nyo..) add water or add sugar lang ang remedyo..give some drops of vanilla or pandan if desired

TAHO warming 
In a pot lagyan ng kalahating tubig na lubog ang TOFU..(hot water Bath)
initin ang tofu ng mga 1 to 2 minutes.then alisin ang tubig at ilagay ang tofu sa isang lalagyan..

TAHO time
Maghanda ng cups or mugs were you like to eat your Taho..
pagsamahin ang taho.arnibal at sago..
Sandukin ng manipis na kutsara ang taho..para may arte ang homemade TAHO..
then enjoy your warm TAHO or kahit malamig na taho masarap den po.(.Natry ko )







For Video Cooking here..