Search For the Recipe

Showing posts with label Potato Recipe. Show all posts
Showing posts with label Potato Recipe. Show all posts

Monday, December 7, 2015

Espesyal na Tortang Patatas

       Natutunan ko ang timplang ito sa kapatid ng asawa kong Hapon..




              


    Hindi sya Japanese Food but parang Italian dish

MGA SANGKAP

5 to 6 whole Eggs
2 medium sized Potatoes
some Cheese (i used Cream Cheese)
some sliced of Ham or Sausage
1/4  cup chopped small pieces RED BELL PEPPER
1 small tomato 
dried oregano/optional
dried Basil /optional
salt n pepper to taste
2 tbsp olive oil or any cooking oil
1 tsp fresh milk/optional

maaring maglagay ng sibuyas kung gusto..




PAGHAHANDA AT PAGLULUTO 

Ihanda ang mga hiniwang gulay at magbate ng itlog sa isang bowl..
timplahan ng asin at paminta

Sa isang kawali lutuin ang patatas sa 2 tbsp na tubig takpan ..at lutuin ng 2 minutes
then ilagay ang Red bell peper ,kamatis at ham..haluin hanggang sa medyo mahalf cooked ang patats..iset aside

Then ibuhos sa binateng itlog sa nilutong patatas...ilagay ang cheese 
i added oregano and basil but it can be optional..

Sa isang mainit na Kawali ..lagyan ng sapat na mantika (2 tbsp)
at ihulog ng dahan dahan ang binateng itlog na may patatas..
Takpan at Lutuin sa katamtamang apoy..

Icheck minsan para maiwasang masunog..
kung kayang baligtarin ,maaring lutuin ang ibabaw para maprito...or hinatying maluto sa mahinang apoy..hanggang mawala ang hilaw na itlog..or ( ibake sa oven kung kinakailangan..)


then kung luto na ihain sa isang serving plate and ebjoy with fresh salad
at kainin ng may ketsup 
maaring ulam,appetizer or palaman sa tinapay

enjoy cooking...










for video cooking here



Saturday, June 13, 2015

Ginisang Bitsuelas na may Patatas at Carrots

Stir frying dish ( Filipino style cooking recipe)







Ginisang Gulay with giniling ..
Easy and Quick Recipe

Ingredients..2 to 3 servings..

100 grams Pork Giniling
80 grams hiniwang Green Beans
50 grams hiniwang patatas ( 2 medium size)
50 grams hiniwang carrots
kaunting bawang
kaunting sibuyas
kaunting kamatis
2 tbsp cooking oil
paminta at asin
Patis (fish Sauce ) add according to your taste
1 tbsp Toyo
1 tbsp OYSTER SAUCE (adjust the taste )
1/2 cup water





Simpleng Paraan ng Pagluluto

1..Igisa ng alinsunod sa paraan ng alam nyong pag-gigisa
Magpainit ng kaunting mantika sa kawali,igisa ang bawang .sibuyas,kamatis at isunod ang giniling,haluin at timplahan ng asin at paminta

2..Isunod ang carrots,green beans at patatas..Igisa ng isang minuto
at lagyan ng tubig ,timplahan ng toyo,patis at oyster sauce..Takpan hanggang sa maluto




Then serve and enjoy..
Partneran ng Fried Fish or any dish na gustong ipartner ..

Kain na tayo..








Eto yung Isda sa Japan ( SANMA Fish ) pacific saury ..
Kalimitang luto nito ay inihaw or niluto sa toyo,mirin ,rice wine at kaunting asukal..
kaso pinirito ko lang sya ,tinanggal ang ulo at buntot.istorbo lang kase hehehe..
lasang galunggong na medyo matinik ..at mamantika siya.



Kinakain ito ng may inad ad na labanos at hinahaluan ng Japanese soy sauce..


Japanese SANMA Fish  usually eaten with shredded White radish and soy sauce

Wednesday, June 11, 2014

Mashed Potato Lumpia... (Spring Roll Recipe)



Lumpiang shanghai na Patatas ang filling..
 na nilaga at dinurog hinaluan ng ibang sangkap .binalot sa lumpia wrapper at niluto sa mainit na
mantika...



Mga sangkap..
Kahit ano lang na available sa inyong Kusina...
nilagang patatas at durugin ito
kaunting chicken giniling maaring gumamit ng tuna in canned
kaunting hiniwa ng maliliit na carrots,at green onions 
maaring lagyan ng green peas or mais
paminta ,asin ,garlic powder,toyo patis..according to your taste
can add a little mayonnaise/optional
itlog /raw egg
some cheese kung type pa
chopped cabbage /or some celery 
rice paper/lumpia wrapper
cooking oil

at gumawa ng sariling sawsawan..spicy vinegar or chili hot sauce..

Tips...Or yung mismong salad na Mashed Potato,yun mismo ang lutuing palumpia...
madali lang diba!
enjoy ...pwede ng kutkutin ito
ulam o pulutan..diba happy =.+







 Pagsama samahin lang ang mga sangkap at Balutin sa Lumpia wrapper ..at iprito sa mantika ..



@Luweeh,,,