Search For the Recipe

Showing posts with label Kangkong Recipe. Show all posts
Showing posts with label Kangkong Recipe. Show all posts

Sunday, July 12, 2015

Sweet Adobong Manok at kangkong

Simple at madaliang luto para sa inyong hapagkainan..
Masabaw na adobong manok na may kangkong na medyo manamis namis..





Mga Sangkap
200 grams Chicken thigh
1 bundle Kangkong (water spinach)
4 cloves garlic /crushed
1 small size white onion..
black pepper corn and powdered black pepper
1 tbsp sugar
5 tbsp water
3 tbsp vinegar
2 tbsp soy sauce
1 tbsp patis/fish sauce
toasted garlic/optional
a drop of chili oil/optional

PAGHAHANDA AT PAGLULUTO

1.Hugasan ang manok ,Banlian ng kumukulong tubig para maalis ang dumi ,banlawang mabuti at hiwain ng ayon sa gustong laki (bite size)

2.Sa isang bowl ,ilagay ang manok at ihalo ang toyo,suka,patis,2 tbsp na tubig,sibuyas ,bawang at paminta..haluin or ibabad ng kahit 10 minuto..

3..Maaring iluto na ng deretso sa kalan,pakuluan ito ng mga 2 minuto,at bawasan ang sabaw ..ibukod sa isang tasa at itabi.

4..Lutuin ang manok hanggang maprito ,ihalo ang kangkong haluin at takpan ng isang minuto..

5.ihalo ang sabaw na tinabi timplahan ulit ng 3 tbsp na tubig ,takpan at lutuin ng mga 4 to 5 minutes sa katamtamang apoy.masabaw ang timplang ito,so  reduce the sauce if you like..

6..after a minutes,lagyan ng 1 tbsp na sugar haluin at hayaang maluto ng 1 minute..then ready na..
transfer to a serving plate and enjoy..
drop a little chili oil or budburan ng toasted garlic..





Quick VIDEO COOKING HERE..

Wednesday, October 29, 2014

GISING GISING Recipe ( kangkong version)

Spicy Ginataang Tangkay ng Kangkong





Crunchy at bagay na bagay ang gata sa tangkay ng kangkong,na halos ay tinatapon lang.,.

Ingredients..

 2 cups chopped kangkong stem
1 cup coconut cream
1/4 cup dried shrimps ( or fresh na hipon)
100 g giniling na manok
kaunting hiniwang siling maanghang
Kaunting dami ng hiniwang Bawang ,sibuyas luya at kamatis
paminta,siling pulbos at patis or bagoong
mantikang panggisa





For Quick Video Cooking Here....



Pagluluto..
Igisa ang mga sangkap alinsunod bawang luya sibuyas at kamatis..
isunod ang giniling na manok at tangkay ng kangkong
,ang hiniwang sili at dried na hipong maliliit
at saka ibuhos ang gata...timplahan ayun sa inyong panlasa at hayaang maluto..

serve and enjoy..








Monday, October 6, 2014

Fried Bangus Sinigang


Mahilig ka ba Sa Prito?
Kung sawa na kayo si paulit ulit na bangus sinigang ..Try this one naman ng maiba
Ngunit kung ikaw ay health conscious ,i suggest to use good oil or wag ng iprito hahahh..

Pero promise namis ko to paminsan minsan ba! alalay lang ang rice okis okis pa ren ang dyeta.

..... ipapatong nyo lang ang fried bangus sa sinigang...then yun na ang putahe nyo.
"bongga na ang ulam nyo.."
Try nyo ! sira diet nyo hahahh...
Sinigang na Pritong Bangus sa Miso at pinaasiman ko sa Hinog na Sampalok..
Kung walang pang prito ..eh di luto nyo ng derecho sa sinigang heheheh..



Ang sahog at mga gulay na gusto nyong ihalo ay depende sa inyong budget at alam nyong babagay sa sinigang na bangus..
"kahit nga kangkong lang",ay okay na...

Mga Sangkap na ginamit ko..
1 large Bangus..Nilinis at Sliced na
2 tbsp Miso Paste..(pwedeng wala)
Sampalok (tamarind , ang dami ay nasa inyong panlasa ,
gumamit ako ng HINOG NA SAMPALOK which is yan lang ang available sa lugar ko) ang asim nya promise

HINOG NA SAMPALOK (Tamarind)

Sibuyas,kamatis.luya at bawang.
Siling Labuyo or (Bell pepper , yan yung nilagay ko)
Kangkong,sitaw,talong,okra.labanos,at gabi..
Enough water ..( maaring Hugas Bigas kung napag handaan)
Salt and pepper to taste
Patis ( Fish sauce)
Cooking oil..



Paghahanda at Pagluluto..
For quick video Cooking...



1..Iprito ang mga hiniwang Bangus sa tamang dami ng mantika..ang bangus ay maaring budburan ng asin at paminta..

2.Habang Nagpiprito,Maghanda ng Kaserolang Lagaan ng sinigang,Maglagay ng tamang dami ng Tubig...

3.Kapag luto na ang Bangus,itabi muna ito...At igisa sa kawaling pinagprituhan ng Bangus..
ang bawang luya sibuyas at kamatis..

4.Maaring igisa ang Miso Paste kasama ng ginisa ,ang style na ginawa ko ay sa mismong sabaw ko na siya Hinalo ( Miso Soup style )

5.At ang mga ginisa ay Ibuhos sa Kasirolang may tubig na pinakukuluan..
Timplahan according sa inyong panlasa.paminta asin at patis..

6. Maaring Ihalo na ang Sampalok at Miso ,bago ang mga gulay..or depende sa inyong gustong diskarte,,

6.Pakuluan ng kaunti then ihalo ang mga gulay alinsunod sa inyong gustong lambot ng gulay..
gabi.labanos,sitaw,talong,okra at kangkong..

7.Kapag napuna nyong halos luto na ang mga gulay ( lutuin ng pa well done or half cooked ) at kung tama na ang timpla..maari ng ipatong ang
Pritong Bangus..



Takpan sandali then ready to serve na..
Enjoy..



@luweeh
#Tagalogkitchen


Tuesday, August 26, 2014

Ginisang Kangkong with Sardinas

Simpleng Ulam Mura Madali at masustansya..
Maari itong dagdagan pa ng ibang sangkap katulad ng sotanghon ampalaya at kung ano ano pang babagay sa lutong ito..





INGREDIENTS
Chopped Garlic
Chopped Onions
Some Cut Tomatoes
Salt pepper to taste
Soy sauce
Water Spinach
Tomato Sardines in Canned
some cooking oil
chili powder/optional
some water




For VIDEO COOKING HERE....