Search For the Recipe

Showing posts with label Potato Recipes. Show all posts
Showing posts with label Potato Recipes. Show all posts

Saturday, August 16, 2014

Ginisang Corned Beef With Patatas

Simpleng Ulam Para sa Mga nagmamadaling Magluto...ang corned beef delata..Haluan ng Patatas at igisa ..May sabaw o tuyot solve na ang inyong putahe...Dahil ito ay masebo paminsan minsan lang ang kain nito..Kung Health conscious kayo....Watch out your calories at eat balance po tayo lage,,

Di porke mahilig ako magluto ay malakas na akong kumain...Di porke luto ako ng luto ay di ako sexy  hahahah....for you to find out..+.+ enjoy po..

Mga Sangkap ..
Corned beef in can
Hiniwang Kamatis kaunti lang
Hiniwang Sibuyas
Pinitpit na bawang
kaunting sili or pirasko
asin at paminta
kaunting tubig
kaunting mantika
toyo or patis
atsuete (optional)




And for a quick Cooking..... Watch the Video below...



Saturday, February 1, 2014

Chick Peas ADOBO and Chicken

( GARBANZOS Recipe)
Kakaiba ano!..Paborito ko kase ang chick pea o yung tinatawag na garbanzos...Malimit ko itong Adobohin na may halong Manok.. bukod sa maaring ilagay sa Menudo.Caldereta ,Afritada,Bulalo at kung ano ano pang lutuing Filipino..

Pero para sa akin mas masarap at bagay ang Adobong Gabanzos,Subukan nyo ng masiyahan kayo..



Wala akong ginawang cooking video for this,madaliang luto para sa Dinner namin,ngunit i'm going to share this recipe ..and next time subukan kong gumawa ng video cooking nito..

Mga Sangkap na aking ginamit...( Ingredients )

300 grams..chicken meat,sliced into small pieces.
1 canned unsweetened garbanzos..
1 medium size onion,chopped
1 whole garlic .minced
black pepper corn
black pepper and salt to taste
1/4 cup Vinegar
1/4 cup Soy Sauce
a small piece of Star Anise
1 laurel dried leaf
1 cup water
2 large Potato /Optional...request ng kid ko lol..
2 tbsp of olive Oil..


For Quick View of my Cooking ( With out The Tutorial)


Pagluluto...

Sa isang kawali na pag lulutuan,ilagay o pagsama samahin ang lahat ng sangkap...maliban sa garbanzos at olive oil,kapag malambot na ang manok,maari na itong ihalo..

At lutuin sa tamang apoy ,takpan at palambutin ang manok at ang patatas..

Hayaang maluto ,obserbahan ng di masunog ,iadjust ang timpla ayon sa inyong panlasa.

Lagyan ng 2 tbsp of Olive oil kung malapit ng maluto...







And then enjoy your meal...............Yummy Adobo Chicken na may Garbanzos

JA NE!!!.....

Friday, January 31, 2014

Sotanghon Soup with Patatas

Yummy with patatas pa..





Recipe is katulad ng alam nyo,may dinagdag lang na sangkap..ang patatas

Ingredients.3 to 4 servings

Rice noodles or Sotanghon..Mga isang dakot ang dami..blanch para maalis ang plastic wax na coated sa noodles
Chicken meat..200 grams okay na siguro.
Gulay,you can use any green veggies you like..i used pechay baguio..(like Bitsuelas,Cilantro or kinchay,etc)
Minced Garlic ..1/4 cup..or isang buong ulo ng bawang..
Minced onion.
kaunting hiniwang luya/optional
kaunting hiniwang carrots
2 large Potato , sliced into cubes pieces
Soy sauce
Salt and pepper to taste
Atsuete powder /pangkulay
Cooking oil

Pagluluto..



Hiwain ang mga sangkap


Ang hilaw na sotanghon ay ibabad sa tubid ng ilang minuto at kapag malambot na buhusan ng mainit ng tubig,hugasan at salain para maalis ang plastic wax na nakabalot sa noodles..not healthy po kase iyon..itabi muna ito..


Pakuluan ang manok sa 2 cups na tubig,if possible ang unang kulo ay itapon dahil marumi po ren ang manok,ang pangalawang tubig ay gagamiting sabaw sa sotanghon soup..3 cups or more according sa dami ng manok..pakuluan at palambutin,

Kapag luto na ang manok,hanguin ,palamigin at himayin/or hiwain.at itabi muna ang chicken broth.


Gumawa ng atsuete oil at igisa ang bawang dito ,then itabi or maari ng iderecho rito ang pagigisa ..magtabi ng toasted garlic for garnish toppings.


Igisa ang mga sangkap sa kaunting mantika..
Luya,bawang .sibuyas...carrots, manok,sotanghon ,gulay at patatas..
or according sa style ng inyong paggigisa..



 Timplahan ng kaunting toyo,patis at paminta..maaring lagyan ng pangpaanghang..At ibuhos ang chicken broth ..takpan hanggang sa maluto..



Para medyo madilaw o makulay ang sabaw ng sotanghon.huwag kalimutang lagyan ng atsuete oil


Then ready for plating ang mainit na sotanghon soup na may patatas...
ENJOY..