Search For the Recipe

Showing posts with label Suman. Show all posts
Showing posts with label Suman. Show all posts

Wednesday, December 5, 2018

SUMAN sa Ibos Wrapped in Banana Leaves

Homemade Suman sa Ibos or Ibus...

When Palm Leaves is not available..Paano kung gusto mong magluto o kumain ng Ibos suman?





Here is my recipe to share ..easy and simple



INGREDIENTS


11 to 12 pieces ,size around 6 inches long ..

For making MALAGKIT 
Banana Leaves
3 cups Glutinous RICE/Malagkit na Bigas
Coconut mIlk /i used 1 pack 250 ml
1 tsp SALT /i used Pink salt

For Boiling Suman 
Water for boiling Suman
250 ml Coconut Milk /or 2 cups gata ikalawang piga
1 tsp TURMERIC POWDER/luyang dilaw po ito
Ritaso ng Dahon ng Saging if mayroon..

GLAZE syrup
1 cup kakang gata
2 tbsp to 1/4 cup mashed mango puree/use jam or fresh
2 cups Panutsa or Cane Sugar/or Brown Sugar..
1 stick cinnamon
drops of vanilla essence or mango esssence
pandan leaf if you have / optional

PAGLULUTO..

1.Hugasan ang Bigas ng 2 to 3 times...at salain

2. Ilagay ang hinugasang bigas sa isang bowl , ibuhos ang 250 ml na Coconut milk at 1 tsp na asin..
Hayaan itong mababad hanggang masipsip ng bigas ang gata..

3. After a few minutes , maoobserbahan nyong mawawala ang liquid at aalsa ang bigas..that's what we want..

4..Ihanda ang Dahon ng saging..paiinitan sa apoy ng bahagya para lumambot at putulin ang dahon ayon sa sukat para makagawa ng tamang laki ng suman..

5..kumuha ng sapat na dami ng binabad na bigas at ilagay sa gitna ng dahon . ibalot ito ng pasuman ayon sa gustong paraan ng ng pag babalot...tinalian ko ang suman upang di lumigwak ang sinaing na malagkit..gamit ang tali ng hamon..string ham /sorry i wrote it ham thread on my vlog..




6..Kapag nabalot ng lahat ang bigas..ihanda ang lulutuan ..mas malalim mas maganda..i mean magandang isaing ang suman ng NAKATAYO..dahil kawali ang ginamit ko..Nakahiga ko syang Nilaga...

7..Sapinan ng dahon ang luluuan at isalansan ang Suman..buhusan ng 2 cups ng gata at punuin ng tubig to cover the suman , then add 1 tsp of Turmeric Powder..cover with dahon ng saging kung mayroon pang dahon..Takpan ng Lid.

8..Cook this slowly about 2 hours..
check it sometimes...kung luto na or kulang sa tubig..at maiwasan kung sumusubo ,kailangan itong makahinga at bigyan ng awang ang takip habang ito ay niluluto..(same as your cooking sinaing na kanin )..

Kapag Luto na...Ready na ang inyong SUMAN

Eat while its warm or cool ..2 to 3 days ang itatagal ..but the best day to eat, is when the day you cooked it..
But you can fry it the next day, or steam, or make a turon with the left over suman...enjoy po








Sarap ....+.=



VIDEO COOKING here..




Saturday, April 26, 2014

Pag gawa ng Tapioca Pearl na SUMAN

  "Welcome Kabayan !..Dito sa aking blog...!!'
May bago tayong imbentong kakanin na mula sa sago ( Tapioca pearl) ang sago na maliliit..
   Gusto nyo bang kumain ng suman na Cassava?
Kaso minsan mahirap makakita ng cassava fresh or talagang walang mabibilhan..mayroon man frozen at minsan unahan pa ..
 
   Ngayon, nagtry ako na gawing suman ang tapioca pearl.at napansen ko ay maari itong gaweng kapalit...ang lasa ay halos pareho lang..
  Alam nyo ba ang Tapioca pearl o SAGO ay nagmula sa Cassava..so kaya ang lasa ay halos parehas lang.







Ingredients...
12 to 14 pieces servings of Suman..


STEAMING PROCESS...

2 cups Tapioca pearl ( Tiny tapioca pearl)
2 cups Desiccated Coconut ( fresh or dried)
1 cup of sugar or maybe 1 1/2 cup or adjust depending on your taste
1/4 cup water.( adjust as it needed) for soaking Tapioca
2 cups Coconut Milk
Dahon ng saging ,Pinadaanan sa apoy o sa init..( mined sa Microwave)


Ibabad ang tapioca pearl sa 2 cups na gata at 1/4 cup na tubig sa 2 o 3 oras.

Ibabad ang Tapioca pearl sa 2 cups na coconut milk add 1/4 cup water kapag alam nyong natutuyot...
Obserbahan nyo ito..2 to 3 hours hanggang maging paste


Siguraduhing malambot na ang Tapioca bago ito timplahan at balutin..



2 cups grated Coconut
1 to 2 cups sugar (any sugar) adjust your sweet tooth
Homemade Latik ( coconut curd) i used bukayo ..toasted desiccated coconut with muscovado sugar mix..

Paghalauin ang binanabad na tapioca pearl at ang asukal at grated coconut
Haluin itong mabuti at ihanda ang pinainitan na dahon ng saging



Balutin ang ginawa sa dahon ng saging...at lutuin sa steamer ng mga 30 to 40 minutes





Then enjoy.....your suman..It's Like Cassava suman ,yummy +.+


For Quick Video Cooking....


Yummy...







ja ne.................lui

Monday, March 3, 2014

SUMAN NILUPAK

     Ang sabi ng iba ,ang nilupak kung wala kang lusong o yung bayuhan ,sa panahon ngayon lahat walang imposible..
May mga electric kitchen tools na at kapag gusto mo magagawa mo..bakit "
 eh!..di durugin ng kamay ,ay pede na kaya.
At pitpitin ng matigas na bagay  o almires ay pwedeng pwede na..wala ng arte dahil pagkaing bahay lang naman..

    At naisipan ko ...na ito ay gawing suman,why not coconut .
At para na ren ito ay tumagal at maitatago pa sa freezer,hindi ba...?
of course"..ito ay madaling kainin ,okay na okay ren itong idea para sa mahilig mag negosyo...
   at dahil masarap ang ginawa kong suman nilupak ,noong araw deng yun...,ubos ang nilupak.








For Quick VIDEO VIEW...


Continue cooking...


Ingredients...




makagagawa ng 10 pieces or more /depends on size

2 cup mashed boiled kamoteng kahoy
1 cup mashed boiled cooking banana/saging na saba( yung hindi masyadong hinog)
1/2 cup condensed milk/adjust according to each taste
1 tbsp melted butter
1/4 cup coconut milk
1/4 cup tapioca starch or cassava powder

at dahon ng saging..

combine all the ingredients...duruging mabuti at saka balutin ng dahon ng saging..
shape and size according to your type.



then steam for about 20 minutes and enjoy..maaring pahiran ng butter or margarine
ang maari na ren itago sa freezer..


Related Video....
Cassava at saging na Nilupak...Niluto sa Pilipinas ng ako ay nag bakasyon ..2013..
With My Family ..NILUPAK PARTY ..time ng may Bagyo ito hahah..









JANE....

Sunday, February 2, 2014

Suman Moron ( with Chocolate )



Another variety of suman,na hinaluan ng chocolate..yummy.
Kaso ,Ano ang Moron ? Suman ? ....................................?


 I heard it's originated from Leyte,me ganun..eh ano yung moron!?




FOR QUICK VIDEO COOKING here..




INGREDIENTS...( family party recipes)


for chocolate dough ..
1 cup coconut milk
a drop of vanilla essence
1 1/2 cup rice flour
1/2 cup malagkit flour.
2 tbsp brown sugar / or adjust
1/4 cup cocoa powder or sweet (melted mas okay) chocolates( Add more If want more Choco flavor)
(if you use cocoa powder ,you need to add more sugar)
1 cup toasted peanuts

Maliban sa peanuts at chocolates..Pag sama samahin ang mga sangkap sa isang kawaling lulutuan..At haluing mabuti.

Then dalhin sa kalan at lutuin ito sa tamang apoy ,at mga ilang minuto ,ihalo ang chocolate ..at ituloy ang paghahalo..






kapag namumuo na ang dough at kulay chocolate na, ihalo ang binusang peanuts..haluin at hayaang maging isang dough..then hanguin at palamigin.

if malata or matigas .just adjust na lang..




for the white dough
1 1/2 cup rice flour
1/2 malagkit flour
1/4 sugar/adjust this according to your taste
1/2 cup evap milk or fresh milk
1/2 cup coconut milk

 Pagsama samahin ang mga sangkap,at haluing mabuti bago isalang sa kalan.



Kapag nahalo na ,lutuin ito sa kalan..sa tamang lakas ng apoy,haluin ito habang niluluto.
If malata or matigas .just adjust na lang..

kapag namuo na ang dough..hanguin at palamigin.







Pag babalot sa dahon ng saging



kumuha ng tamang dami sa bawat dough, pagsamahin lang ang puti at chocolate then form a suman size at balutin sa heated banana leaves..and continue lang..





Maaring talian ang magkabilang dulo ng suman na parang candy o itupi na lang na katulad ng pangkaraniwang suman..


At lutuin ang binalot , 15 minutes sa steamer..or just observe hanggang sa maari na itong hanguin..


 Then ..Jaran luto na ang chocolate suman...
Enjoy;;






Masarap kung may latik pa,medyo maluho na nga lang he he he..
Ja NE!!