Search For the Recipe

Showing posts with label Pork Meat Recipe. Show all posts
Showing posts with label Pork Meat Recipe. Show all posts

Thursday, May 12, 2016

IGADO Recipe


IGADO ay Higado sa Spanish , na ibig sabihin ay atay or liver , ngunit hindi ito nagmula sa Spain basta isa lang naman itong lutuing ulam sa Pilipinas.




Ang putaheng IGADO dish ay nagmula sa mga ilocano, na kumalat sa buong Pilipinas at ngayon isa sa pangunahing mga lutuin na pang Karinderya o paboritong ulam sa hapag kainan ..at syempre makikita ito sa mga handaan..medyo hawig sya sa Menudo Dish na akala mo Adobo..

Alam kong ang Pagluluto at Pagtitimpla ay ayun na ren sa nagluluto o sa kinaugalian at sariling panlasa..
dahil nga ,This is my recipe and How i cook my Igado Recipe..subukan nyo para malaman nyo kung ano ang lasa.

Ang timplang ginawa ko ay hindi malansa at siguradong patok at magugustuhan ninyong lahat...

INGREDIENTS..
460 grams Pork meat /lean meat no fat
180 grams Liver /pork
3 tbsp VINEGAR
2 tsp lemon juice or kalamansi
2 thinly sliced of ginger
2 to 3 bay Leaf
5 cloves Garlic
black and pepper to taste
1 small size Onion
1 tbsp of anato oil /atsuete oil or any cooking oil
1 tbsp Fish Sauce/Patis
3 tbsp Soy Sauce
1/2 tbsp Palm Sugar or any sugar
1 cup water
1 small cut of star anise/optional pero masarap ang mayroon
1 tsp of OYSTER SAUCE/ please try masarap kung mayroon nito..
78 grams carrots/small size
120 grams potato/ i medium size
red and yellow paprika 45 grams each or any red bell pepper
1/4 cup green peas /boiled or fresh
1/4 cup garbanzos/optional



PAGHAHANDA at PAGLULUTO

1.Sa isang Kasirola na may kalahating tubig Pakuluan ang pork meat at Liver in high heat ng mga 2 to 3 minutes , para sumuka ang dumi at itapon ang pinakuluan ,hugasan ang meat at liver..
then slice into 2 inches strips cut size..

2.in a bowl ,ilagay ang pork meat at liver..i marinade ito sa mga sangkap na sumusunod..
suka, lemon or kalamansi ,2 dahon ng laurel,bawang,paminta at asin. haluin at ibabad ng 30 minutes or 1 hour..



3..gumawa ng atsuete oil, igisa ang 1 to 2 tbsp na atsuete seeds ng bahagya sa 2 tbsp na sesame oil  hanggang pumula ang mantika..salain at itabi..

4.sa isang kawaling malinis..ilagay ang ginawang atsuete oil at igisa ang bawang at sibuyas hanggang mangamoy , next ihulog ang marinated pork meat at liver , haluin at takpan ,steam or lutuin ng 5 minutes bago timplahan..sa mahinang apoy..

5.after 5 minutes , buhusan ng 1 cup na tubig ,takpan at palambutin ang meat at liver ..

6.on the half way of cooking , tingnan kung lumambot na ang meat at liver then timplahan ng patis,soy sauce,more black pepper ,star anise , asukal at oyster sauce..maaring isama na ang carrots kung siguradong malambot na ang meat at liver..
haluin takpan at lutuin ng 10 minutes



7..after ten minutes ihalo ang patatas at paprika or bell pepper
budburan ng ng green peas at garbanzos .lutuin ng mga 7 minutes or until sa lumambot ang patatas
at ready na to serve na..









Video cooking here...



Tuesday, April 19, 2016

Sinigang na Baboy ( 50 percent Less Fats )

Like Pork Sinigang ? 
Okay ! Bawasan natin kahit kalahating porsyento ng taba..just continue reading

Luweeh's Kitchen Recipe


INGREDIENTS...
480 grams Pork loin Meat , any cut meat part you like 
Right amount of Tamarind Paste or use fresh Tamarind
6 small pieces of Japanese Okra 
3 medium sice Taro Root or Gabi
1 medium size White Radish or Labanos
1 bundle of Kangkong (water spinach)
2 medium size Kamatis
1 medium size Sibuyas
some pieces of Siling Haba or any chili you like 
2 cloves Garlic
2 sliced of Ginger
add any vegetable you like 



Paghahanda At Pagluluto..

1.Hiwain lahat ng gulay ayon sa kinaugaliang hiwa or sariling paraan ng paghihiwa ng gulay 
para sa sangkap ng sinigang recipe..

Hiwain sa dalawa ang Pork meat kung malaki ang sukat

2.Sa isang kasirola na kasya ang meat lagyan ng kalahating tubig ang dami..Pakuluan ng 2 to 3 minutes ang Pork meat 

3.Pasukahin ang dumi sa malakas na apoy ,huwag iiwan hanggang sa luminis ang tubig na kumukulo..Itapon ang tubig at hugasan ang Pork meat sa tubig gripo..

4.Hiwain ang Pork Meat ayon sa gustong laki .

5.Ibalik sa isang malinis na kawali ang hiniwang pork meat lagyan ng 6 tbsp na tubig pakuluan sa mahinang apoy hanggang lumabas ang mantika..
alisin ang meat  and rinse in cold water twice is suggested..



at itapon ang mantika gamit ang kitchen paper . huwag itapon sa lababo upang makaiwas sebo sa inyong sink..

6..Sa isang malinis na kawali at igisa sa luya at bawang ng walang mantika...do this until ginger and garlic smell the aroma ..at patayin ang apoy

7..Next isalin ang Pork meat sa isang kasirolang paglulutuan ng Sinigang..Lagyan ng 3 to 4 cups water, takpan at  pakuluan sa mahinang apoy hanggang sa lumambot ..1 hour or so

8 ..after 1 hour ihulog ang sibuyas,kamatis at gabi..ilagay ang sampalok .timplahan ng paminta at asin ..according sa inyong panlasa ..haluin at pakuluan ng 5 to 10 minutes..or so



9. After 5 minutes , Ihulog ang ibang gulay like labanos,okra, sili at kangkong .lutuin ng pa half cooked para masustansya for about 3 minutes or depende sa gustong luto ng gulay..
adjust ang tubig if needed at pati ang timpla...then kung luto na..ready to serve na..

10..kainin hanggat mainit with your favorite steamed rice..or some rich in fiber rice like brown rice black rice and so on..





Quotes ko 
"kumain ng Tama ng Hindi Tumaba "

VIDEO COOKING here..












Sunday, August 9, 2015

Pork Binagoongan

Another Filipino all time favourite dish,,Pork meat cooked in shrimp paste..iba iba ng diskarte ang mga pinoy lalo na when it comes sa kanilang kinalakihan ...
Pagkaing Pinoy nga naman nakakasira ng dyeta..
noong bata ako isa sa paborito ko ang binagoongan lalo na sa beef..
ngayon syempre hinay hinay na lang...ng ang ating katawan ay hindi mapabayaan..







MGA SANGKAP

you can add gulay in your recipe..or just plain pork meat..
i used Pork belly..

535 grams Pork Belly..cut into size you like
1 medium size onion,kamatis at 1 piece red bell pepper
3 busal na bawang (pinitpit)
3 tbsp Bagoong Alamang.(or add as you like ).I used cooked alamang in bottle
1 1/2 cup water
black pepper
2 to 3 tsp atsuete powder
2 tsp sugar
1 bay leaf
a small cut of star anise



Paghahanda at Pagluluto..
1..i washed and cleaned Pork meat ( boiled in enough water in 1 minutes to remove dirt and remove boil water and wash the pork meat..

2..cut the pork meat according sa sukat na gusto at hiwain ang mga sangkap na pang gisa..

3..in a sauce pan..boil pork meat in 1 1/2 cup water .add laurel leaf and star anise..cook until mawala ang tubig,..





4..then kapag natuyo na ang tubig ,iprito ng bahagya ang pork sa lumabas na mantika at igisang kasama ang bawang,sibuyas at kamatis..haluin bahagya at lagyan ng sapat na dami ng bagoong..
saka ihalo ang siling pula ,timplahan ng paminta at kaunting asukal..lutuin ng ilang minuto 

Then luto na...then serve in a serving plate and enjoy..garnish with siling labuyo or sprinkle with siling pulbos or cayenne pepper for spicy flavor..






watch video cooking here..






Thursday, May 28, 2015

Ginataang Bataw

Kung may Bicol express,gagawa ako ng gulay express.yung gumuguhit ang sili
My Bataw Express..game na..
Minsan ko ng natikman ang putaheng ito ang Ginataang Bataw.

Year 90's,may friend akong bikolana na malimit akong lutuan ng ginataan recipe,nasaan na kaya sya?",
almost ten years ko ng hindi nakikita sya after naglayas sa bahay nila at iniwan ang asawang hapon at anak,chismosa ko no..hahaha"






Anyway, halos siya ang nagturo sa akin ng pag luluto ng ulam sa gata ,At ang unang natutunan ko ay ang tilapya sa gata,
laing,kalabasa,sitaw at yung bataw na sarap na sarap ako..

Ishare ko lang ang ulam ko last na dinner ko ..bihira kase akong makabili ng BATAW dito sa Japan,so kung may mabibilhan ren lang ,"bilhin na at iluto na,ng bonggang bongga.." heheh"

INGREDIENTS..Lever 3 ang anghang 

2 tali ng sariwang Bataw ( Flat Green Beans)
2 can Coconut Milk
1/4 kilo ng Pork Belly ( boiled for 30 minutes) or use raw
Paminta /optional
Fish sauce (Patis) or use Bagoong
ilang pirasong Luya or Tanlad
Ilang Piraso ng Bawang (pinitpit o hiniwa ng maliliit)
Kaunteng sibuyas
a tsp of vinegar /optional
Mantikang panggisa ( kung gusto ng walang Gisa ,Boil method ang gawing luto)
AT SILING LABUYO 5 o 6 na pirasong fresh green siling labuyo  (hiniwa ng maliliit)
 5 o 6 na pirasong dried sili (hiwain ng pino or ihalo ng buo)




PAGHAHANDA AT PAGLULUTO

1.hugasan at hiwain ng patagilid ang bataw..tulad ng nasa larawan..(or according na ren sa gustong hiwa at laki)

2.hiwain ng maliliit ang sili,pitpitin o hiwain ng maninipis ang luya ,pati na ang bawang at sibuyas..

3..Sa isang lutuang kawali,Painitin at buhusan ng sapat na dami ng mantika ( 2tbsp )
igisa ang luya at bawang,haluin saglit ..
kapag nangamoy na ang bawang at luya,isunod ang Pork meat
,ang sili .sibuyas..igisa ito ng ilang minuto..at ibuhos ang Coconut Milk

3.. timplahan ng patis at paminta..
Pasubuhan ng bahagya ang Gata bago ihalo ang gulay na Bataw..

4..nilagyan ko nga pala sya ng kaunting vinegar ( optional)
then takpan at lutuin sa tamang lakas ng apoy..



Lutuin ng matagal kung gusto ng nagmamantika ang Gata
o lutuin ng hindi nawawala ang cream ng gata (it's according na den sa inyong panlasa..)

Sabagay kung marami ang niluto nyo at kung iinitin ulit ito lalo syang nagmamantika..yun ang masarap
mentras niluluto ulit ito , ay lalong naglalatik..

Then Serve and Enjoy...Sarap sa mainit na Rice..Busog na busog ako that day.
"Bongga ang anghang sarap nya" hehehh



VIDEO COOKING here..


More photos of ginataang bataw express












Monday, May 25, 2015

Pork Nilaga Recipe

Pork meat boiled until tender ,cooked with veggies, seasoned with  salt and pepper corn .
Niluto ang pork meat ng dahan dahan para lumambot ang karne nito..
dinagdagan ng ibat ibang gulay para tumugma sa panlasa ng nilaga..

Nilaga ay isang putaheng may mainit na sabaw (pork soup),
 parang hot pot dito sa Japan (NABE Dish)

Ang karaniwang inilalagay ay sibuyas,patatas,repolyo ,pechay,carrots,green beans,maiz ,
may naglalagay den ng garbanzos ,kamote,kalabasa at saging na halos kaparehas na ng bulalo..
at iba pa.."Kabaayan," ano ang nilalagay nyong gulay ?






MGA SANGKAP

1/2 Kilo Pork Belly..
1/4 cut Repolyo
2 pieces Pechay
2 medium size Onion
1/2 cut of carrots
Green Beans
2 pieces Corn
2 large Potatoes
Black pepper corn ( or pamintang durog)
Salt
Patis (fish sauce)
Enough water for boiling

Adding more veggies is according to your prefference.


Paghahanda at Pagluluto..


1..Hugasan ang Pork meat at ilaga sa 2 basong tubig ,pakuluan ng isang kulo at itapon ang tubig ..

2.Hiwain ng sapat ng laki ang pork meat ,,at magpakulo ng 6 cups na tubig sa isang lutuang paglalagaan..Palambutin ang karne bago ihalo anmg mga sangkap..
after 40 minutes lagyan ng paminta at asin..( i cooked it for 1 hour)

3..Ilagay ang mga gulay according sa gustong unahin,or lutuin ng sabay sabay..
i put first the onions,carrots,cabbage,at corn...
then cook for another 10 minutes then add all the remaining ingredients..
patatas,green beans at pechay..then adjust the taste with patis and pamintang pulbos ( if like)



And then cook slowly for about 30 to 40 minutes ( or until you are satisfied with the results ) adjust time of cooking as you observe ..

VIDEO COOKING HERE..




ENJOY...with hot rice..Yummy"





Sunday, March 29, 2015

Tocino Barbecue ( Sweet Pork meat Skewers)

Pinoy Style appetizers
Marinated and Grilled



Ingredients..

Thin sliced of Pork meat 230 grams ( hiwain na gustong laki )
Atsuete powder 1 to 2 tsp
salt and pepper to taste
sugar 1 tbsp
pineapple juice 1/2 cup
ketchup 2 tbsp
paprika powder 1/2 tsp
garlic powder or fresh garlic
soy sauce 1 tbsp



Paghahanda at Pagluluto

Sa isang container na maaring pag babaran ng meat
Pagsama samahin ang mga sangkap at ibabad ng ilang oras..
mas matagal ay mas malasa..iadjust ang timpla according na ren sa inyong panlasa..






Then saka tuhugin ng barbecue stick
at ihawin sa kawali ,parilya or pa oven
Then maari ng ihain
Gumawa ng sawsawan ,tulad ng sukang may sili
or iserve ito kasama ng rice or sinangag..at may atsara na side dish
Syempre maaring pulutanin para sa mga manginginom..
Enjoy..