Search For the Recipe

Showing posts with label Snack Dish. Show all posts
Showing posts with label Snack Dish. Show all posts

Tuesday, January 15, 2019

No Bake Brownies

Oven problem ? How about Steaming ?
Natry nyo na ba? Subukan nyo mas masarap pa sa baked brownies, halos walang pinag iba...






INGREDIENTS..
8 x 8 ..baking tray 




100 grams Cake Flour Mixed or use Plain Flour / 1 cup ( not exactly the measurement , almost near)
2 medium whole Eggs
100 grams Maple Sugar or use any sugar /1 cup ,almost
50 grams butter /4 tbsp
50 grams cooking oil / 4 tbsp (i used rice oil)
124 cups Chocolate Tablets or bar / 1 cup
30 grams Cocoa Powder /about 2 1/2 tbs to 3 tbsp
Adding VANILLA essence is ok
We like to add Almond Nuts slices on top /or use any nuts like cashew and so on

Get your Steamer ready with half water in..
Paiinit kapag almost ready na ang lulutuin nyo..

Get your prepared baking tray or any moulder you like it to cook your brownies..

PAGHAHANDA AT PAG- LULUTO 

1.Boil water in a small pot, ipatong ang stainless bowl at tunawin ang 1 cup na chocolate tablets at ihalo ang 4 tbsp na oil at 4 tbsp na butter. hayaan itong mag melt... and then off the heat..iwan muna natin siya ..

2..In a mixing bowl , crack two eggs and ilagay at ihalo ang 1 cup sugar then mix well until well combined..

3.. Then add cocoa powder , stir again until well blended using whisk or spatula

4..Next Sift flour in , add flour in batch portion ..then mix it well until you get a fine and smooth butter, using electric mixer is fine..but wire whisk or spatula is enough in this recipe ..

5..When no trace of flour ..stop and get your prepared tray grease and line a wax paper in..
and STEAMER must boiled ready ...

6..Then Pour the batter mixture into the tray .Sprinkle with your favourite nuts on top.

7..Place on the steamer and cook for about 1 hour and a half ...check after 40 minutes..
cover your lid with cheese cloth para di matuluan ng pawis from the lid..

8..After an hour tusukin ng sharp stick kung luto ang loob..if it's done..Remove the brownies from the steamer..allow to cool down completeley




Chill in the Fridge at least 2 to 3 hours before slicing and serving




Huwag Hiwain ng mainit pa..UPANG HINDI MADUROG...KAPAG MAINIT nyo itong HINIWA , crumbly siya..

Magiging durog durog po ang brownies ..
pero makakain den naman kaya lang, hindi na magandang panghanda o sa presentation..
Brownies should be dense and chocolaty ...and sweet ..

Hope you will try it..
MASARAP at lahat magugustuhan...2 days naming kinain ng familiy ko , nakatago lang sa isang box sa ref..












ENJOY

VIDEO cooking here










Sunday, January 24, 2016

KAMOTENG MARUYA

some called it Kalingking..
Sweet Potato stick breaded with cake flour batter and dip fried sweet snack





Sangkap

1 large kamote
1 cup hot cake flour
or use just plain flour and add 1/2 tspbaking powder or can use rice flour /add 1/2 tsp baking soda or baking powder
1 egg
1/2 fresh cold milk
salt
1 tbsp sugar and some sugar for sprinkle
cooking oil for dip frying amount




PROCEDURE

1..hugasan at balatan ang kamote , hiwain ng pa finger stick size
at ibabad muna sa tubig na may asin..set aside

2..sa isang mixing bowl ilagay ang itlog at gatas ,batihing mabuti ,ihaloang 1 tbsp of sugar
at isunod ang 1 cup na flour ,haluing mabuti ..

3..balikan ang kamote ,itapon ang tubig at punasan ng kitchen paper ang mga hiniwang kamote..maaring budburan ng kapatak na asin ang kamote..
at magpainit ng mantika sa paglulutuan ng kamote..painitin ito ng sapat na init .

4..ihulog ang bawat kamote sa batter mixture ..kumuha ng sapat na dami ng kamote
at iprito ng palubog sa mantika...siguraduhing mainit ang mantika upang maiwasan ang hilaw ang loob..luntuin ng naka antabay.

5..baligtarin kung luto na ang ilalim at ulitin ang proseso..
ihain sa isang lalagyan na may kitchen paper para mabawasan ang oil..

budburan ng asukal ang nalutong maruyang kamote or gumawa ng sugar na caramel..next time nako gagawa nito..

enjoy your meryenda...drink warm tea or green tea..






video cooking here






Thursday, January 8, 2015

Heart Shaped Toasted Bread (Cheesy Tuna Corn)

Simple Meal Idea for Valentines Day









Ingredients..
6 pieces Bread Loaves ( cut into heart shape)
1 can Tuna ( drained) alisin ang liquid
1 egg
15 g. corn or add more
15 g. chopped onion or use tomato, bell pepper etcs.
1 tbsp yogurt or mayonnaise
25 g. cream cheese or nestle cream
1/4 cup grated cheese
salt and pepper to taste
italian parsley or dried basil






Paghahanda...
Mix all the ingredients in a bowl..( bukod sa bread)
at ihanda ang baking tray na may sapin na wax paper
ilatag ang heart shaped loaves at pahiran ng tuna mixture..





Iluto sa Oven Toaster ng mga 7 minutes ...or until it turns out into a golden crispy  ..
Sprinkle with dried basil or parsley .
ENJOY.....






VIDEO COOKING....




Enjoy...

Wednesday, February 26, 2014

Simple Karyoka

Ang Karyoka..
    Gawa sa malagkit na bigas ,bigas na pulbos na hinaluan ng tubig para mabuo..binibilog bilog sa palad para magkorteng bilo bilo..na siyang hinahalo den sa ginataang halo halo o ginagawang palitaw.

   Simpleng meryenda,at madaling lutuin ,dahil nga ito ay simple lang sa sangkap..
Ang Karyoka ay parang isang Fried palitaw  imbes na ilublob sa kumukulong tubig para maging palitaw,ay ihuhulog ito sa mainit na mantika at bubuhusan ng caramelized sugar....iyan ang KARYOKA.

tuhog tuhog karyoka..yummy..

Binilog at pinalamanan sa loob ng coco jam..binudburan ng linga..

Sangkap..
Glutinous Rice flour at kaunting tubig..(make a dough)
Cooking Oil for frying
Caramelized Coco jam or muscovado sugar..
barbeque stick
sesame seed/optional

To Continue cooking..just scroll down..
For Quick Video Cooking of this...




Pagluluto..


 Tunawin ang panutsa or muscovado sugar sa tubig ,(Gagawa dito ng glaze /caramel )


Ang rice dough ay ihanda at at humulma ng bilog bilog na korte..one bite size na bilo bilo..
tuhugin ng stick kung gusto ng nakatuhog or kahit wala...



Ihanda ang mantika para lutuin ang mga tinuhog na bilo bilo..


At kapag luto na ..buhusan  ito ng ginawang glaze.


Maaring gumawa ng medyo malaking bilog na parang butse size at palamanan ng coco jam at budburan ng linga..yummy..iprito ren ito..



THEN ENJOY...madali lang diba!...inum marami tubig ha..lol +.+

Ja ne..mata ne...


Saturday, February 1, 2014

Spicy Sweet Binusang Dilis

Masarap itong pangkutkot,pampulutan at maari ren itong iulam..o isahog sa Gulay na ensalada..side dish sa fried rice ,oh ,nice di ba!




Ito ay sarili kong style at wala ito sa timpla ng iba...malimit ko itong gawin dahil ang mga hapon mahilig sa ganitong luto..

Mga Sangkap sa pagluluto ng spicy dilis.

FIRST STEP..na ingredients
i used 300 g dried Anchovies or tuyong dilis..small size na dilis
1/2 tbsp cooking oil
1 to 2 tbsp washed sugar
black pepper ,cayenne pepper or siling pulbos,garlic powder..

Ingredients for the glazed( Combining all this ingredients)
2 tbsp sugar
1/2  tsp atsuete powder or add more for nice coloring the dilis
1 tsp vinegar 
1 tsp ketsup
1 tbsp soy sauce





For Quick View of the Video....



To continue cooking........



 Ibusa sa mainit na kawai ang dried dilis in 3 minutes..haluin lang ito and then lagyan ng 1/2 tbsp of oil..ibusa ulit ito kahit mga 2 minutes..continue lang sa paghahalo..
After 2 minutes patayin na muna ang apoy, ihulog ang 2 tbsp sugar,tunawin dito ang asukal..
at ihulog ang mga seasoning powder..haluin ulit..


 At sa huling timpla..sindihan ang apoy sa mahinang level..ibuhos ang tinimplang sauce na magiging glaze ng dilis..haluin ng mabilis para di masunog..at hagisan uli ng 2 tbsp asukal..
patayin na ang apoy at haluin lang ang dilis..at luto na...tikman syempre..lol


Kapag luto na..hanguin at ready na itong papakin.."yum yum"


Then sprinkle it with sesame seed or more chili powder..
At masarap itong isawsaw sa suka..yummy..



Mata Ne!...........

Wednesday, January 1, 2014

MAJA MAIZ

The Maja Blanca version...Yummy and Creamy..



video cooking here...



INGREDIENTS...

Roast some grated coconut until golden brown and set aside..



First Step..In a mixing bowl , Maglagay ng 1 cup water at tunawin ang condensed milk na nasa lata..2 cups ang dami kung susukatin..haluin at iset aside muna.


2nd Step,in a separate bowl,Maglagay ng 2 cups na coconut Milk at ibuhos ng dahan dahan ang 1 cup na Cornstarch , At haluin habang binubuhos ang cornstarch...tunawing mabuti ..

3rd step..ibuhos ang isang lata ng creamy corn (2 cups ) sa hinahalong cornstarch..

4th step..Paghaluin ang dalawang tinimpla..ang condensed na tinunaw at ang cornstarch na may maiz..mix well..



Ihanda ang lutuang kawali,gumamit ng non sticky pan,para di naninikit..at sa mahinang apoy,haluing mabuti hanggang mamuo ang cornstarch..

huwag itong lulutuin ng matagal , baka ito ay maging halaya o tumigas..mga15 minutes is siguro is okay..huwag lang di masabing naluto ang cornstarch, kapag napuna nyong namumuo na ito, ito ay hanguin na .

And then isalin sa isang tray na hulmahan ,i cool down at ilagay sa fridge para lalong mamuo.Kailangang palamigin sa fridge bago ito hiwain at kainin..

TIPS...hindi masarap itong kainin ng di pinalalamig..kahit mga 5 hours..or obserbahan nyo kung mabilis ang pamumuo..then enjoy..





after palamigin...baligtarin ang inyong tray,at isalin sa flat na surface..at hiwain..





budburan ng binusang niyog..




babushhh...