Search For the Recipe

Showing posts with label Omelettes. Show all posts
Showing posts with label Omelettes. Show all posts

Monday, December 10, 2018

Tortang Sayote ( Chayote Omelettes)

Breakfast lunch and Dinner Recipe ,of course make snack with this recipe is fine too..like sandwich ..

Narito ang Masarap na tortang sayote...ready ka na ba ?





INGREDIENTS ...




1 medium size Sayote /Chayote
3 medium size whole eggs/ use organic egg kung health conscious kayo..
pink salt and pepper to taste
1 small onion
1 small tomato
a piece of garlic
cooking oil /use good oil kung health conscious kayo..
small cut of red bell pepper
1 tbsp light Soy Sauce
1/2 tbsp Worcestershire Sauce/optional
2 tbsp Water
Parmesan Cheese /if desire more tastier

PAGHAHANDA at PAGLULUTO 

Pagluluto ay may kanya kanyang istilo, lutuin sa paraan na kayo ay nasanay.

1..Hiwain ang mga gulay ayon sa gustong paraan .(Sayote, sibuyas,kamatis,bawang,siling pula)

2. Paano nyo ihanda ang ginilig? gumawa ng sariling giniling o bumili na ng ready to use..
i have my way to cook meat before i start using it...i pre-boil meat before cooking it..

skip this method if you like to cook meat, in the manner you like ..or just rinse it in cold water ,then it's fine..

3.. When ingredients are all ready..beat the 3 eggs slightly and set aside, adding salt and pepper is according to you..

4..Magpainit ng mantika sa kawali about 1 tbsp of oil then igisa ang mga sumusunod,

 unahin natin ang giniling at kapirasong bawang , budbudan ng paminta ang giniling, igisa ng bahagya at saka isunod ang sibuyas hanggang sa lumabas ang aroma, then isunod ang kamatis at red bell pepper .

 bahagyang igisa ,timplahan ng toyo at paminta , .haluin ito , then ilagay ang hiniwang sayote
lagyan ng kaunting tubig upang maluto ang sayote , takpan at palambutin ang sayote ng mga 2 minutes or so..

5..kapag luto na ang sayote at giniling, tikman ang lasa kung matabang o kulang sa lasa, timplahan ng worcestershire sauce para luminamnam ..haluin ng bahagya at pwede ng patayin ang apoy..

6.. Salain ang ginisang sayote kung may sabaw.. Ihalo ito sa binating itlog at bubdbudan ng kaunting parmesan cheese kung gusto ..

7.Magpainit ng kawali ,(i used Ceramic frying Pan ) lagyan ng tamang dami ng mantika ,painitin ng bahagya saka ibuhos ang itlog mixture..

Lutuin ng individual portion like patty size or pizza size,,

8..takpan ang niluluto at obserbahan ng di masunog..baligtarin kung luto na ang ilalim, ingatan na hindi masira ang korte ng itlog..at kapag luto na ang loob ng itlog..hanguin at ready for plating

Partneran ng gustong vegetable salad, rice at sabaw.
ENJOY!




eat with ketchup ..or any sauce you prepare...


VIDEO COOKING HERE...
enjoy watching...



Monday, December 7, 2015

Espesyal na Tortang Patatas

       Natutunan ko ang timplang ito sa kapatid ng asawa kong Hapon..




              


    Hindi sya Japanese Food but parang Italian dish

MGA SANGKAP

5 to 6 whole Eggs
2 medium sized Potatoes
some Cheese (i used Cream Cheese)
some sliced of Ham or Sausage
1/4  cup chopped small pieces RED BELL PEPPER
1 small tomato 
dried oregano/optional
dried Basil /optional
salt n pepper to taste
2 tbsp olive oil or any cooking oil
1 tsp fresh milk/optional

maaring maglagay ng sibuyas kung gusto..




PAGHAHANDA AT PAGLULUTO 

Ihanda ang mga hiniwang gulay at magbate ng itlog sa isang bowl..
timplahan ng asin at paminta

Sa isang kawali lutuin ang patatas sa 2 tbsp na tubig takpan ..at lutuin ng 2 minutes
then ilagay ang Red bell peper ,kamatis at ham..haluin hanggang sa medyo mahalf cooked ang patats..iset aside

Then ibuhos sa binateng itlog sa nilutong patatas...ilagay ang cheese 
i added oregano and basil but it can be optional..

Sa isang mainit na Kawali ..lagyan ng sapat na mantika (2 tbsp)
at ihulog ng dahan dahan ang binateng itlog na may patatas..
Takpan at Lutuin sa katamtamang apoy..

Icheck minsan para maiwasang masunog..
kung kayang baligtarin ,maaring lutuin ang ibabaw para maprito...or hinatying maluto sa mahinang apoy..hanggang mawala ang hilaw na itlog..or ( ibake sa oven kung kinakailangan..)


then kung luto na ihain sa isang serving plate and ebjoy with fresh salad
at kainin ng may ketsup 
maaring ulam,appetizer or palaman sa tinapay

enjoy cooking...










for video cooking here



Sunday, June 15, 2014

Tortang Ampalaya ( Bitter Melon Omelette)




Hi mga Pipol...Anong Ulam nyo ngayon?
Sa mahihilig sa ampalaya at itlog ...Narito ang bagong version ko ng ampalaya with egg..Ang Tortang Ampalaya ,Plate Size..Slice nyo lang na parang cake hehehehh...



Mga Sangkap..
Medium Size Ampalaya,hiwain ayun sa inyong gustong hiwa.but i suggest manipis para di mapait..(lamasin sa asin at pigain kung gustong mawala ang Pait) ako derecho lang..
4 na itlog
Kaunteng hiniwang kamatis
Sibuyas at bawang..
Kaunteng siling pula o paprika( red bell pepper)
Kaunteng binalatang hipon..(can use ground meat if you like)
Soy sauce,oyster sauce,patis,salt and pepper...seasoning is according sa inyong panlasa.
Maaring haluan ng kaunteng cheese para medyo mas espesyal ang lasa.

Tips-maaring maglagay ng kaunteng arina para madaling mabuo .Kung hindi sanay pang gumawa ng purong itlog lang
Cooking oil syempre..
At Kaunteng tubig sa pagpapalambot ng ampalaya




Photo Cooking Tutorial


Paraan ng Pagluluto.
Igisa ang mga Sangkap like bawang ,sibuyas at kamatis..
igisang kasama ang hipon ,timplahan according sa inyong panlasa..(oyster sauce)
at ihalo ang hiniwa hiwang ampalaya.lagyan ng kaunteng tubig para lumambot ng kaunte ang ampalaya...hayaang maluto ng medyo half cooked or lutuin ng ayun sa lambot na gusto sa gulay..



at ihanda ang itlog..magbate ng itlog at ihulog dun ang ginisang ampalaya na may hipon.
iprito sa mainit na kawali na may 5  tbsp na mantika or adjust nyo ang mantika ayun sa laki ng inyong kawali at dami ng lulutuing itlog ..



takpan at lutuin sa medium heat...checkin ang ilalim para di masunog..
kung babaligtarin patayin muna ang apoy..at isalin sa isang plato...at baligtaring pabalik sa kawali
para lutuin naman ang kabila...then sindihan ang kalan..



maaring wag na itong takpan...bantayan ito at kung ready na...ihain na at ilagay sa isang plato na kasya ang tortang ginawa...
enjoy,.....maaring kainin ito ng may ketsup or any chili spicy sauce na type nyo.