Search For the Recipe

Showing posts with label Simpleng Ulam. Show all posts
Showing posts with label Simpleng Ulam. Show all posts

Wednesday, April 19, 2017

Paksiw na Banak (Sea Mullet)

May nakakakilala ba sa isdang ito? Banak ay isdang malimit kong kainin noong bata, maliban sa Paksiw wala pa akong natatandaang luto na maaring gawin sa isdang banak..
according sa source isa raw itong mamahaling isda ..pero sa pagkakaalam ko noong ako ay bata pa...pagkain ito ng mahihirap...ewan , ano nga ba ?

Sa Japan ang Banak ay halos sinlalaki ng Bangus ,at hindi ko pa nasubukan bumili o tikman dahil sa laki ay natatakot ako paano ito lulutuin ...

Anyway , dahil namiss ko nga ito ,at bibihira na makakita ng isdang ito...nang makakita ako nito ay dali dali kong binili agad..at niluto ng papaksiw..




Mga Sangkap..
4 na piraso ng isdang Banak (medium size)
1/2 vinegar
1 1/2 cup water
ginger
turmeric or luyang dilaw
1 clove garlic
pulang sibuyas
paminta buo at durog
3 pirasong ampalayang ligaw
7 talong na maliliit
patis to taste
siling haba





paghahanda at pagluluto

1.hiwain ang gulay sa gustong hiwa

2.hiwain ang bawang at sibuyas at pitpitin ang luya pati na ang turmeric

3.sa isang lutuan ,lagyan ng tubig ,at pagsama samahin ang mga sangkap at isda..
lutuin sa tamang apoy ...


4.kapag lumuwa na ang mata ng isda ,luto na ang isda ..then adjust ang timpla at maari ng ihain .




video cook and eat here...


Friday, January 22, 2016

Ginisang Ampalaya at itlog with Luncheon Meat

Simple and Easy Recipe
masarap madali at maganda sa katawan
syempre paborito ng lahat...kung ayaw ng ampalaya ..sorry na lang..





Mga Sangkap

1 medium size AMPALAYA 
1 medium size Puting Sibuyas
3 small size Kamatis
some garlic
1 tbsp Worcestershire sauce
Salt and Pepper
3 Eggs
Luncheon meat /adjust the amount 
sesame oil
1/2 tbsp sugar/optional
1/4 cup water /adjust



PAGHAHANDA AT PAGLULUTO

1..Hiwain ang ampalaya at luncheon meat ayon sa gustong hiwa or tularan ang nasa larawan..
hiwain den ang sibuyas at kamatis..pitpitin ang bawang..
at Batihin ang itlog..

2..Magpainit ng kawali..sa 1/2 tbsp na sesame oil ..iprito ang luncheon meat at iset aside

3..igisa ang bawang sibuyas until fragrant then ihalo ang kamates kasunod ng ampalaya 
lagyan ng kaunting tubig ..takpan at palambutin ng 2 minutes sa katamtamang apoy



4..then timplahan ng paminta o asin..lagyan ng 1 tbsp na Worcestershire sauce or toyo 
haluin ng bahagya..kung satisfied na sa lambot ng gulay ihulog ang binating itlog ng pakalat hayaang muna ng 10 seconds bago haluin..then haluing mabuti para maluto ang itlog..

5..kung luto na ang itlog ihulog ang piniritong luncheon meat at patakan ng kaunting patis ayun sa inyong panlasa...haluin ito at ready for plating

serve hot with rice and enjoy your meal..








VIDEO TUTORIAL HERE



Friday, October 10, 2014

Simpleng Ulam..Tuna Bitsuelas at Maiz

"Madaliang Putahe....or tamad na lutuin?"
Ginagawa ko ito kapag wala pa akong luto at biglang nagutom ang anak ko..
Ginagawa nyo ren ba?




Mga lutong hindi nakasulat sa recipi ,mga imbentong pinaghalo halo at kung anong available sa ref..
or kung ano ang mabilis maluto..

At kung minsan inihahalo ko ang gulay na paborito ng anak ko...like gusto ng kid ko ang green beans..at nagkataon na may natira akong corn kagabi..at tuna na natira sa paggawa ko ng isang pirasong sandwich...kakatawa lang,di mo inakala masarap ren pala...

Mga Sangkap ( from scratch ingredients)
Tuna in Can (126 g)isang medyo malaki na size na can tuna
Corn (mga isang dakot )
Green Beans (6 na tangkay o piraso )
Kamatis Sibuyas at Bawang (sapat na dami para sa panggisa )
1 1/2  tbsp of Vinegar ( ito ang nagpasarap sa lutong ito ang SUKA)
at  1 1/2 tbsp na Toyo ( parang paadobo na luto muna ang tuna ,bago ko niluto ng pag gigisa..
Kaunteng Mantika
Paminta..( Patis is according to your Taste) di na ko nag aasin..
At siling pulbos /optional (para sakin ito ,maanghang )

PagLuluto ay simple
1..Igisa muna ang bawang na pinitpit..,kapag amoy na ang bawang isunod ang sibuyas ,
haluin ito sandali.
Kapag medyo luto na ang bawang at sibuyas ..isunod naman ang kamatis...haluin ulit..

2,,,And then ihulog ang Tuna flakes kasama ang sabaw,hinaan ang apoy,at ihulog ang suka at toyo .paminta para magkalasa..haluin muna itong mabuti...

3..At saka lagyan ng mga 1 cup na tubig at ihulog na pati ang Green Beans...Takpan at hayaang maluto..Masarap den ang may sabaw nito or tuyot lang( Adjust according sa inyong panlasa)




Wala akong Video nito next time na lang..Lutong minamadali kase ito ..Picture lang nagawa ko,
@Luweeh




Adjust the taste and then ready to serve...
ENJOY...





Tuesday, September 9, 2014

Simpleng Ulam..Ginisang Tuna with Egg Drop

Simple at Madaling Ulam..

Tuna in can ( size kayo ng bahala hehehe) then adjust lang sa seasoning
2 eggs ( binati ng bukod )
sibuyas bawang at kamatis
kaunteng mantika

Igisa ang bawang sibuyas at kamatis ( hiniwa na)
sa mahinang apoy isunod ang Tuna ,buhusan ng kaunting tubig (1/2 cup )para magkaroon ng kaunting sabaw...Pakuluan ..and next ibuhos pabilog sa niluluto ang Itlog na Binati..Haluin ng dahan dahan..at timplahan ng asin paminta or patis..

Serve and enjoy..
Dali diba!



Quick Video Cooking..




Ja ne!
Luweeh...

Tuesday, August 26, 2014

Ginisang Kangkong with Sardinas

Simpleng Ulam Mura Madali at masustansya..
Maari itong dagdagan pa ng ibang sangkap katulad ng sotanghon ampalaya at kung ano ano pang babagay sa lutong ito..





INGREDIENTS
Chopped Garlic
Chopped Onions
Some Cut Tomatoes
Salt pepper to taste
Soy sauce
Water Spinach
Tomato Sardines in Canned
some cooking oil
chili powder/optional
some water




For VIDEO COOKING HERE....

Saturday, August 16, 2014

Ginisang Corned Beef With Patatas

Simpleng Ulam Para sa Mga nagmamadaling Magluto...ang corned beef delata..Haluan ng Patatas at igisa ..May sabaw o tuyot solve na ang inyong putahe...Dahil ito ay masebo paminsan minsan lang ang kain nito..Kung Health conscious kayo....Watch out your calories at eat balance po tayo lage,,

Di porke mahilig ako magluto ay malakas na akong kumain...Di porke luto ako ng luto ay di ako sexy  hahahah....for you to find out..+.+ enjoy po..

Mga Sangkap ..
Corned beef in can
Hiniwang Kamatis kaunti lang
Hiniwang Sibuyas
Pinitpit na bawang
kaunting sili or pirasko
asin at paminta
kaunting tubig
kaunting mantika
toyo or patis
atsuete (optional)




And for a quick Cooking..... Watch the Video below...