Nasubukan nyo na ba ang lumpia na may pancit noodles,bihon or sotanghon?
madali lang at siguradong magugustuhan ng inyong pamilya..
Sotanghon or glass noodles 80 grams/semi boiled
sprout or togue 222 grams
pork meat cut into small pieces 225 grams
10 pieces lumpia wrapper
kaunting hipon/optional
cabbage 204 grams
1 medium size onion
3 cloves garlic
salt and pepper
2 tbsp soy sauce
carrots some amount
green beans some amount
kamote or sweet potato 1 small size
kaunting kinchay o celery
cooking oil for frying lumpia
PAGHAHANDA AT PAGLULUTO
1.pakuluan sa kaunting tubig ang pork meat at itapon ang tubig ,hugasan ang pork meat at hiwain sa malilit na laki..taktakan ng asin at iset aside
2.hiwain ang gulay at igigisang sangkap.hugasan ang togue at iba pang gulay..
3..sa isang kawali ,magpainit at ilagay ang hiniwang pork meat at isang piraso ng bawang hanggang magmantika at ihalo ang tokwa ..then ihalo na ren ang hipon
4..after 2 minutes .igisa ang mga gulay alinsunod sa paraan ng pag gigisa, bawang,sibuyas, carrots, kamote .bitsuelas, repolyo, at saka isunod ang sotanghon .maaring timplahan ng toyo,asin at paminta habang niluluto,adjust the seasoning according to your taste
5.lutuin ng mga 2 to 3 minutes na di lutong luto( half cook) kapag nahalo at pantay na ang timpla ,
6.ihanda ang lumpia wrapper at ibalot ang ginisang gulay ayun sa paraan ng alam nyong pag babalot ng lumpia..lagyan ng white yolk ang dulo ng wrapper para maganda ang pagkabalot ng lumpia at di bumuka..
7..sa isang malalim na lutuan.maghanda ng sapat na mantika na kayang ilubog ang mga lumpiang binalot...painiting mabuti bago ihulog ang mga lumpia..
8..bantayan at ibaling baling ang nilulutong lumpia para pantay ang pag ka prito..then hanguin sa isang lalagyang may paper wax para mabawasan ang mantika..then gumawa ng sariling sawsawang suka..
Vinegar dipping sauce
2 clove garlic crusted
red onion chopped
1/4 cup Vinegar
salt and pepper
1/2 tsp Patis
1/4 tsp sugar
siling pulbos o hiniwang siling labuyo
spring onion or green chives/ optional
then serve and enjoy..ulam pulutan o meryenda..
VIDEO cooking HERE
check it out..