Search For the Recipe

Thursday, March 13, 2014

Pork Giniling



Giniling na Menudo ..
lutong karinderya na medyo bagong version..kase version ko ..
hindi masabaw at hindi lutang sa mantika..kahit ang hapon kong anak at hapon na asawa..gustong gusto ang lutong ito..kapag natira ay niluluto ko sa itlog..(tortang giniling )


                                  



                                 



Ingredients...

Menudo Style recipe..
Ingredients..
300 g. ground pork
1/4 cup raisins
1/4 cup green peas
boiled eggs/optional
 garlic.onion,tomato.
2 medium size potato
1 medium size carrots
1 tbsp oyster sauce
1 tbsp ketchup
3 to 4 tbsp soy sauce/adjust
salt and pepper to taste/or patis
2 medium size paprika/red bell pepper
pinch of star anise and 1 leaf of laurel
1 tbsp muscovado sugar..or any sugar
1 tbsp atsuete seed
3 tbsp cooking oil
1 1/2 cup water



stir fry dish..

GROUND PORK CASSEROLE DISH

Paraan ng Pagluluto..
Bago magsimula..Gagawa tayo ng atsuete oil..2 tbsp of cooking oil at 1 tbsp na atsuete seed.
iprito ang atsuete sa mantika,.then itabi ito.

1..Igisa ang mga sumusunod sa kaunting mantika..(maaring isabay ang star anise at laurel para mas mabilis na aroma)
      ..  igisa muna ang bawang hanggang lumabas ang aroma nito (ng  HINDI SUNOG)
       .. then ihulog ang sibuyas ( Lutuin deng mabuti ang sibuyas)
      ..  next ang kamatis..lutuin ang KAMATIS na halos MADUROG ..

2.at kung okay na.. ihulog ang giniling,haluin na kasama ng ginigisa at timplahan ng asin at paminta..
kung gustong lutong luto ang giniling...pakuluan muna ito sa tubig bago isunod ang mga sangkap..

3.then ihulog ang carrots at timplahan ng 3 tbsp na soy sauce,haluin at takpan
         .. TAKPAN ito at lutuing mabuti ang giniling ,hayaang lumabas ang mga liquid sa pork

4.then kapag luto na ang giniling,ihulog ang patatas
          ..at isama ang isang dahon ng laurel at maliit na piraso ng star anise..at haluing mabuti.

5.Then ihulog ang kalahati ng red bell pepper ,ang iba ay sa final part..

6.then timplahan ng 1 tbsp ketsup or tomato paste.
         ...di kailangang marami dahil maasim ang kalalabasan.





7.add 1 tbsp of oyster sauce..para malinamnam..but it's an optional kung wala.(or Use Patis )

8.then we can add water 1 cup ,simmer to boil..slow cooking ito..adjust water if gusto ng masabaw.

9.and before takpan..ihalo ang atsuete oil..budburan ng green peas ,pasas ,itlog ng pugo at ihalo ang natirang bell pepper..
at lagyan ng 1 tbsp na asukal ,,takpan at lutuin sa mahinang apoy..

10...Then tikman at ayusin ang timpla...ayon sa inyong panlasa..
then enjoy...









recipe of luweeh..

No comments:

Post a Comment