Search For the Recipe

Saturday, April 26, 2014

Pag gawa ng Tapioca Pearl na SUMAN

  "Welcome Kabayan !..Dito sa aking blog...!!'
May bago tayong imbentong kakanin na mula sa sago ( Tapioca pearl) ang sago na maliliit..
   Gusto nyo bang kumain ng suman na Cassava?
Kaso minsan mahirap makakita ng cassava fresh or talagang walang mabibilhan..mayroon man frozen at minsan unahan pa ..
 
   Ngayon, nagtry ako na gawing suman ang tapioca pearl.at napansen ko ay maari itong gaweng kapalit...ang lasa ay halos pareho lang..
  Alam nyo ba ang Tapioca pearl o SAGO ay nagmula sa Cassava..so kaya ang lasa ay halos parehas lang.







Ingredients...
12 to 14 pieces servings of Suman..


STEAMING PROCESS...

2 cups Tapioca pearl ( Tiny tapioca pearl)
2 cups Desiccated Coconut ( fresh or dried)
1 cup of sugar or maybe 1 1/2 cup or adjust depending on your taste
1/4 cup water.( adjust as it needed) for soaking Tapioca
2 cups Coconut Milk
Dahon ng saging ,Pinadaanan sa apoy o sa init..( mined sa Microwave)


Ibabad ang tapioca pearl sa 2 cups na gata at 1/4 cup na tubig sa 2 o 3 oras.

Ibabad ang Tapioca pearl sa 2 cups na coconut milk add 1/4 cup water kapag alam nyong natutuyot...
Obserbahan nyo ito..2 to 3 hours hanggang maging paste


Siguraduhing malambot na ang Tapioca bago ito timplahan at balutin..



2 cups grated Coconut
1 to 2 cups sugar (any sugar) adjust your sweet tooth
Homemade Latik ( coconut curd) i used bukayo ..toasted desiccated coconut with muscovado sugar mix..

Paghalauin ang binanabad na tapioca pearl at ang asukal at grated coconut
Haluin itong mabuti at ihanda ang pinainitan na dahon ng saging



Balutin ang ginawa sa dahon ng saging...at lutuin sa steamer ng mga 30 to 40 minutes





Then enjoy.....your suman..It's Like Cassava suman ,yummy +.+


For Quick Video Cooking....


Yummy...







ja ne.................lui

Friday, April 25, 2014

Chicken Sopas ( with Egg and Sausage)

 Macaroni Soup...

               Masarap kapag tag ulan o malamig ang panahon...













VIDEO COOKING.....

                   

                     








INGREDIENTS...
(3 to 4 servings..)



150 g Macaroni ( Half cooked boiled)

Breast chicken( Sliced into flakes)

4 Boiled Eggs

4 to 5 pieces Sausage(Hotdog or Ham)

2 cups Fresh milk ( or Evap Milk)

1 medium size Patatas,

1 cup chopped Cabbage,

minced Onion and minced garlic

i1 small size of red Bell pepper,

1/4 cup of Mix Vegetable( carrot.corn and green Peas)

Olive oil

1 tbsp Butter

Salt and black pepper,

SEASONG..Patis(optional) Fish sauce

3 cups Chicken Broth

and 1/4 cup grated CHEESE



1.Magpakulo ng 3 basong tubig at lagyan ng 1 tbsp na cooking oil,at Lutuin ang macaroni sa kumukulong tubig..Lutuin ng pa half cook. then hanguin,salain  at itabi.



2.In separate pot,magpakulo ng 3 cups na tubig kasama ang Chicken..(making chicken broth)hayaan ito sa mahinang apoy..



3.At sa bukod na lutuan

Magpainit ng kawali at lagyan ng 2 tbsp na mantika at 1 tbs na butter .

igisa ang bawang sibuyas,kinchay at bell pepper

Isunod ang sausage..



4.Ihalo ang ginisang gulay sa pinakukuluang manok..

ihalo ang mga gulay ..like repolyo,mix vegetable,patatas..



4.Timplahan ng asin.patis at paminta...takpan at hayaang maluto ang mga sangkap sa katamtamang apoy.



5.kapag halos malambot na ang mga gulay ,add 2 to 3 cups na fresh milk at
ilhulog ang boiled egg at timplahan ng 1/4 cup na grated cheese..





Then serve and enjoy............








Tuesday, April 22, 2014

PINAKBET with fried Breast Chicken partner








         INGREDIENTS ..
squash
eggplant
okra
green beans
tomato.onion.garlic.ginger
shrimp paste
olive oil
water
black pepper
bell pepper
  and BREAST CHICKEN MEAT..




You can add meat,pork,shrimps ,depende sa type nyong ihalo..i added breast chicken para maprotina..tinimplahan ko ng salt at garlic powder saka ko pinirito..

 Then sa pagluluto ng pinakbet..most of Filipino siguro alam na ang style ng pagluluto nito.
may kanya kanyang style nga lang ito sa pagluluto..at iyan ay karapatan ng lahat .
  Then,Igisa ang mga sangkap alinsunod sa paraan ng pag-gigisa.
mantika ,bawang .sibuyas,kamatis at luya.
Igisa ang alamang ayon sa inyong style ng pagluluto..inuna ko ang mga gulay bago ko tinimpla ang bagoong..nilagyan ko ng sapat na tubig bago ko inihalo ang kaunting bagoong .
    May time na ginigisa ko ang bagoong,ngunit ngayon ayoko ng masyadong mabagoong ang gulay ng ang aking mga kasamang Japanese ay makakain man lang..
    Maari itong timplahan ng bagoong habang kinakain ..
at may partner na fried breast chicken meat na sagana sa protina ..


for quick video cooking..


..................










enjoy.................






Wednesday, April 16, 2014

Chicken Wing Gyoza Arranged in Pinoy Version ( Paksiw Adobo)

( Paksiw Adobo) Glazed Stuffed Chicken Wings

Medyo magulo yung Title ng resipi ko ano?

In short ang Chicken wings ay inalisan ko ng buto at pinalaman ko ng giniling at nilechon ko sa oven..then niluto ko ng papaksiw adobo..gets nyo na..




Quick VIDEO Here....


..........









Ingredients,,,

Pechay..
Chicken wings 8 pieces
1 head garlic
black pepper corn and powder type
dried bulaklak ng saging
kapirasong star anise
2 tbsp sugar
1/4 cup vinegar
3 tbs soy sauce
1 tsp patis
1 1/2 cup water
kaunting olive oil

Para sa Filling..palaman
kaunting giniling 100 g. na manok or any meat
minced garlic
chopped green onion
1 tsp sugar
toyo at suka
paminta..


Paghahanda...

Alisin ang buto sa chicken wings..












Thursday, April 3, 2014

Ginisang Monggo with Pata

   Isa ito sa paborito ko noong bata pa ako , siempre until now naman ,gustong gusto ko itong ulam lalo na may galunggong na prito..yummy....
  "kaya lang bihira ko na lang itong matikman dahil bihira ko na reng lutuin .
Lalo pa nga't ang mga kasama ko ay mga hapon (Japanese),hindi sila kumakain nito..hehehe..

    Anyway,sinubukan kong lagyan ang monggo ng pata( Pork) ,maaring palaga or paprito..mas yummy kung crispy pata ang gagawen dito , para lang Bagnet ba..

   But i love to put more veggies,like ampalaya ,talong spinach..at kung nasa pinas ako ,mas masarap siempre ang malunggay..
Namis nyo na ren ba ito..anong mga halo ang gusto nyo sa ginisang monggo ..

Hipon? Dilis? Tinapa? Chicharon? alimasag? Chicken ? Bagnet? Clam? Tokwa? at ano pa ba nga?







Ingredients..




2 cups munggo ( Mung Beans)..soaked and boiled.
1 medium size ampalaya
1 piece talong
kaunting spinach or any green veggies you like to add
onion..garlic..
1 medium size kamatis
Kaunting Tofu /Tokwa
kaunting fish broth or patis/or chicken broth
kaunting fish tinapa or smoked fish
salt and pepper to taste
kaunting piraso ng pata( 4 na hiniwang piraso ng pata ang ginamit ko /boiled and fried )  or any meat you like..
some cooking oil and water para sa sabaw ng ginisang munggo..

    Then igisa ang mga sangkap at lutuin ayon sa style ng inyong pagluluto..if want to see my way of cooking..please watch my video..









ENJOY YOUR MEAL Babushhh.