Tinapay na may minatamis na niyog sa loob..
Pagkaing hindi ko malilimutan , naging meryenda ko after ng school,may tubig ka lang busog ka na.
Baka namis nyo lang ..
Ingredients..
6 pieces bread buns
160 grams all purpose flour
3/4 tsp of instant yeast( kulang kulang 1 tsp)
1 tbsp sugar
26 grams egg beaten and for wash egg
75 cc water
15 grams butter
pinch salt
Tools na makakatulong sa pagluluto ng bread.
SCRAPER
WOODEN SPOON
DAMP CLOTH
Baking time..10 minutes.
Preheat Oven in 210 degree celsius
Para sa 12 pirasong Pandecoco ..Double the ingredients .
Paghahanda...
Paghatiin ang arina sa 2 portion.
Sa dalawang mixing bowl ilagay ang hinating arina .
Sa unang Bowl na may 1/2 portion ng arina..
Ilagay ang yeast at asukal sa itaas ng arina ( magkatabi ang yeast at arina)
sa ibaba ng arina ,ilagay ang itlog
Sa ikalawang Bowl na may 1/2 na arina
ilagay ang butter at asin...set aside
Back to the 1st Bowl
ibuhos ang tubig , mismo sa yeast at haluin para matunaw kasama ng asukal
At saka haluing lahat kasama ang itlog (gumamit ng wooden spoon )
Haluin ito hanggang mabuhay ang yeast...(continue stirring ) obserbahan ang hinahalo.
Then ihalo ang second bowl na arina..at haluin itong mabuti..
Kapag wala ng ang arina..ilipat sa hapag para ito masahihin (Dough Kneading )
Makakatulong ang SCRAPER sa pag mamasa ..
Masahihin nyo ang dough na parang NAGKUKUSKOS ng Damit..
Taas baba..Paulit ulit Hanggang Mawala ang Lagkit..
(NO DUSTING ...Wag mag lalagay ng extra Flour..)
Ang Left hand ang taga Hold ng Dough Habang ang Kanang Palad ang KUMUKUSKOS SA DOUGH..
Kapag Namumuo na ang dough at hindi na malagkit..
Imassage ito ng Dalawang Kamay ( GAMIT ang PALAD ) V massage..Left and Right
( maybe 30 times)
Left and Right ..Igulong gulong sa dalawang Palad ..Paulit ulit..Hanggang Maging Smooth ang Dough |
Kapag Elastic na ..Bilugin ito at ilagay sa bowl |
Isara ang ilalim ng dough |
Takpan ng plastic wrap.. |
Place the dough in a Warm Place..If possible mga 40 degree ang init.. |
After a minutes...Finger Check kung umalsa na...Yung hintuturo lagyan ng arina at itusok sa gilid ng dough.. Kapag Hindi bumalik ang tinusok ,means okay na ang Alsa.. |
Cut the dough into 6 pieces ..using a dough Scraper then roll it in a ball takpan ng damp cloth para di tumigas. |
Then rest another ten minutes Takip ang damp towel |
After ten minutes..Ilabas isa isa ang mga binilog ..Pipiin ang bilog na dough
para ipalaman ang ginawang matamis na Niyog..
Pipiin ng medyo makapal na umbok sa gitna at manipis sa gilid.. |
Pahiran ng egg wash |
At budburan ng Poppy seeds.. Then Bake for 10 Minutes.. 210 Degree Celsius.. Kapag nag 3 minutes na..Baligtarin ang Tray position..para pumantay ang Luto ng bread.. |
FOR VIDEO TUTORIAL...
Bye bye...
No comments:
Post a Comment