Yes..parang dynamite stick kaso i added giniling and cream cheese
and i chopped the chilis at hinalo sa giniling ,at saka binalot .
kung gustong maanghang use jalapeno or yung sili na pangpaksiw,i used sweet green chilis so hindi maanghang..ang sustansya na lang ang habol ko ang makakain pati bulinggit sa bahay..
Ingredients
246 grams pork giniling
9 green chilis
cream cheese sliced
1 small size onion
1 piece of red bell pepper
some kinchay or celery
salt and pepper to taste
soy sauce (adding what seasoning you like is okay )
..like mirin,oyster sauce and so on )
1 tbsp flour
2 eggs
lumpia wrapper
For the crumbs
Bread crumbs
1 egg
cooking oil
Paghahanda At Pagluluto
Paghaluin ang lahat ng sangkap bukod sa cheese , mantika..at lumpia wrapper
inilagay ko sa freezer ng ten minutes bago ito ibalot sa wrapper..
Then ibalot sa lumpia wrapper...maglagay ng sapat na dami ng ginling at ipatong ang cream cheese tulad ng nasa larawan..isama ang pinutol na ulo ng sili or alisin na lang.
ilagay muna sa freezer ng ten minutes ,para tumigas ng kaunti ang wrapper at para madali itong iroll sa crumbs ,
Then ilubog sa itlog at igulong sa bread crumbs
At iprito sa mainit na mantika..baligtarin kapag luto na ang ilalim..
ilagay sa isang kitchen paper..palamigin ng bahagya then slice and serve
Slice to see the inside
make your own dipping sauce..ketchup version ,mayonnaise,vinegar or japanese tonkatsu sauce..
I made my own Sweet Sesame Mayonnaise dipping sauce..
2 tsp ground sesame seed
2 tsp sesame oil
3 tbsp mayonnaise
1 tsp ketchup
1 tbsp sugar
black pepper
garlic powder
onion powder
1 tsp soy sauce
1 tbsp Tonkatsu sauce
Paghaluin lang ito at adjust kung anong gustong idagdag
VIDEO COOKING here..
No comments:
Post a Comment