Search For the Recipe

Wednesday, August 19, 2015

Dilis Paksiw

Kung tawagin ito ay pagkain daw ng mahihirap.bukod sa simple ang rekado ay mura ang maliliit na isda..ngunit hindi ako maniniwala ,na ito ay pagkain lang ng mahihirap..
eh ' kahit Presidente sigurado ako, marunong ren ,kumain nito..right?
para sa akin isa itong masustansyang pagkain ,simple rekado ,patok sa bulsa at patok sa lasa
At mas masarap ..kung ito ay nakabalot sa dahon ng saging ,panigurado kong lalakas pati ang sandok ng inyong rice..

Ewan ko na lang sa mga ibang kababayan naten ang hindi marunong kumain ng ganitong putahe.


MGA SANGKAP
3 lang kase kami sa bahay so kaunting putahe lamang ang aking inihahanda..



1/4 kilo of Fresh Dilis (anchovies)
1/2 cup Vinegar
1 1/2 tbsp Patis (fish sauce)
pamintang durog
2 pirasong siling labuyo or pampaksiw
5 pirasong butil ng bawang
kapirasong luya
talbos ng luya or tanlad
kapirasong ampalaya..(ibabad sa tubig na may asin )
sibuyas or negi ( spring onions)
1 tbsp olive oil
1 cup water




PAGHAHANDA AT PAGLULUTO

 Linisin ang isda at alisin ang hasang at bituka

Sa isang kasirola isalansan ang mga sangkap ...tangkay ng luya .luya, bawang,sibuyas at ipatong ang dilis...buhusan ng 1 cup na tubig...suka ,patis at paminta..

Isalang sa kalan at lutuin ng may takip..after 1 minute ihalo ang kaunting ampalaya  at ang 2 siling labuyo..iwasan itong haluin upang hindi madurog ang dilis..lutuin sa katamtamang apoy..

After 20 minutes ,buhusan ng 1 tbsp na oil at lutuin ng 1 minute then ready for serving na...

Adjust seasoning according to your taste..enjoy..





want to watch Video?
VIDEO COOKING HERE...


No comments:

Post a Comment