Search For the Recipe

Tuesday, December 31, 2013

Ginataang Cassava at Sago

  Meryenda ng Pinas hinahanap hanap.lalo na ito ay hindi mo makikita sa lugar na iyong kinaroroonan,Katulad na lang ng sariwang kamoteng kahoy,Kung hindi papulbos,pa frozen at kung may luto man frozen pa ren.Mahirap magkaroon ng fresh Cassava sa ibang bansa,maliban nalang nasa Thailand ka o Vietnam.
Umuwe ka ng lang ng Pilipinas at doon mo lang ito matitikman.
Dayain na lang natin ito sa kamote o gabi..
malamig o mainit masara humigop ng ginataang cassava ..na puro sago ang kasama

  Cassava , o kung tawagin ay kamoteng kahoy,sa aming probinsya sa Cavite tinatawag itong Balinghoy Ang Balinghoy ay isang uri ng root crop,Sikat sa mga lutong kakaning Pinoy..
Paborito ito sa lutong gata pa steam,pa bake.pa puto,pa kalamay o di kaya ay gata sa mainit o gata sa malamig..at kung ano ano pa.

Cassava sa gatang malamig o mainit ay paborito ko..Ishare ko ang lutong ginawa ko ng ako ay nasa Pilipinas,siguro marami ang nakakakilala ng lutong ito..


Ay naku! "kain tayo"..."nagugutom tuloy ako.".


Video Cooking...



Mga Sangkap ay Simple lang..

Sariwang Cassava ,Hiniwa hiwa ng pa cubes( one bite size)
Sago o tapioca pearl,na luto na para madali..,maliliiit o yung ordinaryong laki ng sago.
Asukal ( Sugar) according sa dami at tamis na lulutuin
Coconut Milk ,( Gata ng Niyog )  Fresh or in canned..it's according sa place kung ano ang  available na gata..
Kaunting tubig or kahit wala na kung maraming gata ang gusto.




    Ilalaga sa gata ang Cassava na may timpla ng asukal..maaring lagyan ito ng dahon ng pandan para mas lalong malinamnam at mabango ang ginataang kakainin..
   At kapag malambot na ihuhulog ang mga sago...

Maari nyo itong haluan ng langka,kamote,saging at bilo bilo...





Madaling pagluluto lang ito kaya masaya...Maari itong kainin ng mainit o palamigin sa Fridge..






Then Enjoy the Meryenda....




No comments:

Post a Comment