Isang matamis na pagkain na kung iisipin mo kung ito ba ay candy or cookies o kaya ay isa lang na arinang pulbos na minatamis..
Gawa ito sa arinang binusa sa mainit na kawali tinimplahan ng gatas na pulbos ,butter at asukal..kalimitan hinahaluan ng tinustang pinipig o giniling na mani ,kasoy o almond..
may naglalagay ren ng dinurog na Oreo ,tinitimplahan ng ube o kaya pandan,ibat ibang klase ng mga timpla ,maiba lamang ang lasa ng simpleng Pulburon..
May naghahalo ng chocolate or naka coated ng chocolate..
at ngayon gumawa ako ng pulburon na nilublob sa tunaw na chocolate.
Mga Sangkap.
1 cup All purpose flour
1 cup Skim Milk
1/2 cup Granulated sugar
100 grams Butter or adjust the amount
1/4 cup toasted pinipig
Chocolate Coating
160 grams milk Chocolate or Semi Dark chocolate
some sprinkles
3 to 4 tbsp Fresh milk ..or fresh cream
Pagluluto..
Sa isang mainit na kawali ,Ibusa ang harina hanggang sa maluto,at sa mahinang apoy ,ihalo ang asukal at skim milk..
Haluin itong mabuti ,tikman upang malaman kung ito ay luto na..at isunod ang butter ..
patayin ang apoy ,hayaang matunaw ang butter habang ito ay hinahalo...budburan ng pinipig or
mga gustong itimpla sa pulburon..
Hulmahin gamit ang Polvoron molder ..
Palamagin muna sa ref,bago ito balutan ng tunaw na chocolate..
kapag malambot ang polvoron , madali itong madudurog
Tunawin ang Chocolate..( melt in double boiler)
Ilagay ang chocolate chips sa isang maliit na glass bowl or stainless bowl.
Magpakulo ng tubig at ilubog dito ang bowl .
Tunawing mabuti at haluan ng kaunting fresh cream,milk or any flavoring..
160 grams chocolate chips
3 to 4 tbsp fresh cream
At ilubog ang pinatigas na Pulburon ,gumamit ng tinidor..
siguraduhing matigas ang POLVORON..bago ito ilublob sa tunaw na chokolate
budburan ng sprinkles at palamigin ..bago iserve,,enjoy..
Balutin kung nais mag-negosyo or pang-regalo..
For Video Cooking of this Polvoron..
.....
Napapanos ba ang polvoron?
ReplyDeleteanung brand po ng chocolate n gamit nio?
ReplyDelete