Search For the Recipe

Wednesday, August 19, 2015

Dilis Fritters (Anchovy Fritters ala Tempura)

Dilis oh ..my Dilis..Pulutan or Ulam alin ang gusto nyo..





MGA SANGKAP
1/4 kilo Dilis na fresh
1 cup All purpose Flour or Tempura mix
1  egg
1/2 cup ice cold water
pinch salt and pepper to taste
1/4 tsp baking soda
Cooking Oil..

Original dipping sauce (gumawa na lang kayo)

Paghahanda at PAGLULUTO

Ihanda ang nilinis na dilis na tinanggalan ng hasang ..
Punasan ng kitchen paper ng ito ay madaling kumapit ang batter at maiwasan ang paninilansik..
asnan ang dilis kung nasa mainit na lugar upang maiwasan ang pag kailado
at budburan ng kaunting gawgaw or arina..set aside..

Sa isang mixing bowl ,ilagay ang arina ,asin,paminta at baking soda..itabi muna
Batihin ang itlog sa baso ng may malamig na tubig..

Ibuhos ang binating itlog sa arina mixture hanggang makagawa  ng batter..
ilubog dito ang mga dilis...
haluin ng bahagya ..at gumamit ng kutsara .para sa sukat na laki.

ilubog sa mainit na mantika ang 1 tbsp na battered dilis
baligtarin kung luto na ang ilalim..hanguin sa isang cooling rock or kitchen paper..


Gumawa ng sariling sawsawan..like sukang may sili..enjoy..






VIDEO COOKING HERE..


No comments:

Post a Comment