Sinangag na may hipon...timplang asin or patis ay pwede na.
or you can use toyo or oyster sauce .
Gumawa na lang ng soup at veggie salad okay na ang inyong meal..
300 grams lutong kanin..
1 cup hipon (with no shell and devain)
1/2 cup mix vegetables
1 whole egg
1 small size onion
4 cloves of garlic
salt and pepper
fish sauce /patis
toyo or oyster sauce /or worcestershire sauce
1 tbsp cooking oil or sesame oil
some green garlic chives
PAGLULUTO..
Sa isang kawaling paglulutuan ,painitin ito at maglagay ng 1 tbsp sesame oil at lutuin ang hipon at garlic..
timplahan ng asin at paminta.
kapag naluto na ang hipon at nangamoy na ang bawang isunod ang onion..igisa ito ..
then isunod ang rice ..haluin itong mabuti at isunod ang mix vegetables..haluin ulit..
Timplahan ng patis at toyo or oyster sauce /o worcestershire sauce..
Haluin ng one minute then itabi ang rice sa gilid ng kawali..gumawa ng awang at lagyan ng 1 tsp na oil..at ilagay ang itlog na binati..hayaan itong maluto at saka haluin kasama ng kanin..
Haluin itong mabuti at hayaang maluto..budburan ng garlic chives ..then luto na..
Serve with lemon or pickled vegetables like atsara or any fresh na gulay..
enjoy...
No comments:
Post a Comment